|
|
| Paloma, masakit na masarap ang unang tikim!![]() Author: Jun Nardo GRADUATE ng Fine Arts sa UP Diliman ang bagong sex goddess na si Paloma, bago niya pinasok ang pagpapseksi sa TV at pelikula. Claim to fame niya ang pagiging belyas sa Zorro at ang pelikulang Pitik Bulag, kung saan ibinuyangyang niya ang malulusog niyang boobs! Naging cover din siya ng FHM mag at advice columnist din sa sex ang drama niya sa magazine. Eh, nagbunga ang pagpapaseksi niya kaya kinuha siyang endorser ng Robust, sexual enhancement para sa lalaki, huh! Palaban din si Paloma sa pagsagot ng seksing tanong gaya ng inyong mababasa: Bakit siya nagpaseksi? “It was the opportunity given to me. I embraced it. Kahit seksi o ano ang ibigay sa akin, I take it as a challenge,” sagot niya. Hanggang saan ang kaya niyang ipakita? “Depende sa role. Bakit hindi natin subukan? Pero wala pa naman...I heard I'm doing a Regal movie soon pero hindi ko pa alam ang story,” aniya. Sa Pitik Bulag nga ay nagpakita na siya ng boobs. “'Yun ang ipinakita ko, ang taas!” tugon niya. Sariwang-sariwa pa, huh! “Sariwang-sariwa pa! Ha! Ha! Ha! Wala pang nagmamay-ari!” deklara ni Paloma. Walang boyfriend ngayon si Paloma, pero aminado siyang may sex partner, huh! “Wala akong boyfriend. Sex partner lang. Kailangan natin sa buhay 'yan. Basta maging safe ka lang. Use condoms and, Robust! Ha! Ha! Ha!” So, hindi ka na virgin? “Hindi na! Sex guru ako, eh! Huwag tayong magplastikan! Ha! Ha! Ha!” diretso niyang sagot. Ilang taon siya nang mangyari 'yon? “Hindi ko na matandaan! Sandali lang, kelan ba? Mahirap i-recall! Ha! Ha! Ha!” sagot niya. Masakit ba? “Masakit! Ha! Ha! Ha! Siyempre ganoon talaga pag first time! Pero masarap! Ha! Ha! Ha! Minor ba ako? Hindi ko na matandaan. College o magka-college pa lang!” bulalas ni Paloma. Meron na ba siyang weird experience? “Wala pa pero lahat ng weird, masarap!” tugon ni Paloma. Meron ba siyang sexual fantasy? “Kapag umuulan! Mahirap 'yon kasi maghahanap ka ng lugar na kung saan walang tao! Ha! Ha! Ha!” pahayag niya. Eh, si Dingdong Dantes, crush niya raw? “Guwapo si Dingdong pero nag-iiba rin siyempre ang gusto ko. Kasi focus ako sa career. Guwapo siya!” Ayaw niyang agawin si Dingdong kay Marian? “Magagalit si Marian! Ha! Ha! Ha! Wala akong kaaway!” Ano ang pinagkaiba niya sa ibang sex stars? “Ahh, may utak ako at marunong akong makisama sa mga tao. Hindi ako mahilig makipag-away!” sagot niya. Retokada ba ang boobs niya? “Sponsored ako ni Belo sa boobs. Alam nila 'yon. Hindi ko dinedenay! Paseksi, eh. Eksakto lang sa katawan. Normal lang 'yon!” sabi na lang ni Paloma. Source: Abante |