Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pamangkin ni Martin, pakakasalan ng anak ni Gary

Author: Vinia Vivar

Due to insistent public demand, ibinabalik ng GV Productions, Inc. at Manila Genesis Entertainment ang Gary V: Live at 25 concert ni Gary Valenciano sa Feb. 20 sa Araneta Coliseum.

Matatandaang naging successful ang nakaraang concert last November at naging usap-usapan dahil inabot ng mahigit na apat na oras.

Maging si Martin Nievera, nag-react at nagbirong tinalbugan ni Gary ang longest-running show niya dati na three hours and forty-five minutes.

"Kasi, inisip ko, it was a 25-year celebration, kung merong isa sa mga kanta roon na hindi ko ginawa, makakarinig ako ng mga 'eh, ba't hindi niya kinanta 'yung ganu'n?' Tapos now, for this concert, we're thinking of taking out some songs but I have a new song, which is Tayong Dalawa.

"Imposible namang hindi ko kantahin 'yon, napakalaking hit 'yung teleserye na 'yon. So, we're trying to measure and see kung ano ang priorities namin for this concert," sabi ni Mr. Pure Energy.

Sa presscon, napag-usapan din ang balak na pagpapakasal ng anak niyang si Gab before reaching the age of 25 (his son is 20).

Ayon kay Gary, nag-usap sila ni Gab tungkol dito.

Ipinaliwanag daw niya na hindi lahat ng young marriages, nagsa-succeed tulad ng sa kanila ni Angeli Pangilinan dahil they went through a lot na rin daw.

"Twenty-five (years old) is not a bad idea. I got married at 19. Angeli was 25 or 24. But I told him, take your time, son. Taking your time will not harm anything. If you guys really love each other, o di, that's already set. "

Wala raw siyang tutol kay Rachelle Ann Go, kasalukuyang girlfriend ni Gab.

"I know that he loves Rachelle very much," sabi pa ni Gary.

* * *

Nakausap din namin ang panganay na anak nina Gary at Angeli na si Paolo at sa totoo lang, pareho sila ni Gab na nag-uunahang magpakasal.

Bilang panganay, mukhang mauuna si Paolo, na in two years' time, naka-set nang mag-propose sa kanyang non-showbiz girlfriend na pamangkin ni Martin.

"My engagement is more real than Gab," say niyang natatawa.

Tulad ni Gab, gusto ring gayahin ni Pao ang kanilang ama na dahil nag-asawa nang maaga ay nakakasama nila hanggang ngayon na mag-perform, maglaro ng basketball, etcetera.

We asked Pao kung pabor ba siya kay Rachelle Ann bilang gf ng younger brod at say niya, may five-month rule raw siya para sa kapatid.

Kapag lumampas daw ang relasyon ng dalawa ng limang buwan, doon pa lang siya magsisimulang tanggapin si Rachelle.

Kadalasan daw kasi, hindi lumalampas ng five months ang mga nagiging gf ni Gab, kaya this time, titingnan muna niya kung makakalampas ang mga ito sa nasabing time frame.

"After five months, that's the only time that I would be thinking of giving her a chance. And I also told Rachelle that. Rachelle knows that," say ni Pao.

Nagiging close rin daw kasi siya and the rest of the family sa kung sinumang girlfriend ni Gab, tulad ni Nikki Gil before, and the next one with the same name and after every breakup, siyempre, nag-a-adjust din sila.

Anyway, may ipakikitang bagong number si Pao sa Gary V: Live at 25, The Repeat, pero ayaw niyang sabihin kung ano.

Matatandaang sa nakaraang concerts nila ng dad niya, highly applauded ang Beatles medley nila, pero ngayon ay iba at big surprise ang gagawin nilang dalawa.

* * *

Bukas, baka magkita ang mag-ex na sina Erik Santos at Rufa Mae Quinto dahil nakatakdang manood ang singer ng 1 for 3 4 U show na gaganapin sa Zirkoh, Greenhills, kung saan ay guest ni Richard Poon ang sexy comedienne.

Kasama ni Erik na manonood ang mga kaibigang sina Piolo Pascual, Mark Bautista, Christian Bautista at Sam Milby na, incidentally, ay kasama rin niya sa gaganaping Pop Icons concert on Feb. 13 sa Dagupan, Feb. 14 sa Cebu at Feb. 21 sa Araneta Coliseum.

At take note, kung free si KC Concepcion, baka manood din ang aktres. Nagpareserba na ng tickets ang grupo, kaya tiyak na riot ang pre-Valentine show ni Richard.

Bukod kay Rufa Mae, guests din sina K Brosas at Valerie Concepcion. Front act naman sina Nico Antonio, Yellow Milano at Patricia Gayod.

Ang alam namin, balak ding manood ni Jon Avila, napapabalitang boyfriend ni Rufa Mae, kaya we wonder kung ano ang gagawin ni P-Chi 'pag nagkataon.

Sponsored by Angel Locsin at Active White, the show starts 10 p. m.

Source: People's Tonight