|
|
| Pamaskong handog ng Dos sa mga bataAuthor: People's Taliba SA pagpapatuloy ng pagbibigay ng mga programang pampamilya at ma-kabuluhan, muling bubuhayin ng ABS-CBN ang animated series na sinubaybayan ng marami, at ang munting prinsesang minahal ng lahat �" ang Princess Sarah, na magsisimula na bukas ng gabi sa Primetime Bida. Hindi na bago ang kwento ng Princess Sarah sa mga Pinoy, dahil ilang beses na ring ipinalabas ang cartoon na ito sa ABS-CBN, dahil na rin sa kagustuhan ng mga manonood. Umiikot ang kuwento sa isang munting batang ala-prinsesa sa kabutihan at kagandahan, si Sarah Crewe. Titira siya sa isang dormitoryo para sa mga pinakamayayamang batang babae sa Inglatera, pero dahil sa isang pangyayari, maglalaho ang kanyang ama at magbabago ang kapalaran ni Sarah. Magtatrabaho siya bilang katulong sa dormitoryo, at titiisin ang pagmamalupit ng ibang kaklase at tao roon. Pero dahil sa kanyang magandang pananaw sa buhay at busilak na kalooban, makakatagpo siya ng mga kaibigan at bukod sa pagiging Prinsesa ng mga Dyamante, siya ay magiging prinsesa ng mga puso ng mga tao sa paligid niya. Magbibida sa Princess Sarah ang child superstar na si Sharlene San Pedro. Makakasama rin niya sa bonggang proyekto ang mga malalaking bituing pinangungunahan ni Ai Ai delasAlas, Albert Martinez, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Candy Pangilinan, Matt Evans, Melissa Ricks, Irish Fullerton, Bubbles Paraiso, Eunice Lagunsad, Angel Sy, Sofia Baars at Ms. Sheryl Cruz bilang istrikto at mapang-aping si Miss Minchin. Ang Princess Sarah ay isa sa mga maagang re-galong handog ng ABS-CBN para sa bawat pamilya ngayong Pasko. Isa rin ito sa mga pinakamala-king proyekto ng istasyon para sa taong 2007. Sa direksyon nina Nuel Naval at Don Cuaresma, may mga bagong twists at tauhang madadagdag sa kuwento kaya talaga namang paka-aabangan ng lahat ang kiddie-seryeng ito. Muli na namang bibihagin ng munting prinsesa ang ating mga puso. Abangan ang pagdating ni Princess Sarah, sa November 12, pagkatapos ng TV Patrol World sa ABS-CBN. Source: Taliba |