|
|
| Pamilya Aquino 'di nawawalan ng pag-asa![]() Author: Cristy Fermin Miscarriage ang terminong ginamit ni Kris Aquino sa nangyari sa kanya nung Martes nang hapon, sa Tagalog ay nakunan siya, pero ayon sa kanyang doktor ay hindi nabuo sa normal na paraan ang binhi sa kanyang sinapupunan. Ganun din ang nangyari Nasulat na namin noon ang kuwento ng isang kaibigan ni Kris, totoong positive ang results ng kanyang pregnancy test, pero kailangan pa raw niyang kumonsulta uli sa isang bagong OB-Gynecologist para sa second opinion. At ganun nga ang kanyang ginawa, napag-alaman na hindi nabuo ang binhi na kanyang dinadala, hindi natuloy ang kanyang pagdadalantao. Maagang nag-text sa amin si Kris para ipaalam ang pangyayari, ayon sa aktres-TV host ay ginusto na raw siguro yun ng Diyos, para mabigyan niya nang sapat na oras ang maysakit niyang ina. Magiging mahirap nga naman sa kanya ang pagdadalantao kung meron siyang inang pinoproblema, hindi simple ang giyera ng buhay na hinaharap ngayon ng dating Pangulong Cory Aquino, colon cancer ang sakit nito. Nagsimula na sa kanyang chemotherapy si Tita Cory nung Martes, ayon kay Kris ay napag-alaman na mababa ang hemoglobin ng kanyang ina, kaya isinabay na sa blood transfusion ang gamutan. Hanggang maaari ay gusto ni Kris na mabantayan nang husto ang kalagayan ng kanyang ina, sa isip lang daw ay hindi na niya makita ang kanyang sarili kapag nawala si Tita Cory, na mabilis naman unawain dahil bunso na siya ay si Tita Cory lang ang nakasama niya sa kanyang paglaki. Kung matatandaan ay padalaw-dalaw lang sila noon sa Fort Bonifacio kung saan nakakulong ang kanyang ama, kapag dumadalaw sila kay dating Senador Ninoy Aquino ay palaging puno ng tubig ang drum sa gilid ng piitan nito, dahil kapag naiinitan na ang bunsong si Kris ay dun siya inilulublob ng kanyang ama. Bahagi rin ng mga kuwento ni Kris ang pagdadala nila ng steak sa nakakulong niyang ama, pero hindi nila naipapasok nang buo ang steak, kaya ang ginagawa nila ay tsina-chop nang maliliit ang karne at ginagawang candy. Pagpasok nila sa piitan ng kanyang ama ay saka nila isa-isang binubuksan ang binalot nilang parang candy pero ang laman ay steak, ibubuhos nila ang gravy na kasama naman ng lalagyan ng iba pang mga pagkain, ganun kakulay ang karanasang inabot nila nung nakakulong ang daddy niya. Sa Amerika na lang sila ( Pero hindi bumibitiw sa pag-asa ang pamilya Aquino, lalo na't masugid na mananampalataya ang kanilang ina, alam nila na mabibigyan sila ng ekstensiyon para makasama nang matagal pa ang dating Pangulong Cory Aquino. * * * Hindi nagustuhan ng ilang kaibigan at kakilala ang sinabi ni Jinky Pacquiao na kinuha na niyang lahat ang pera ng kanyang mister, barya-barya na lang daw ang iniwanan niya sa People's Champion, kaya wala nang makukuhang pera sa boksingero ang kung sinuman diyan. Sabi ng isang kausap namin, "I'm sure, si Ara Mina ang pinariringgan ni Jinky, she didn't mention any name, pero sino pa ba naman ang puwede nating isipin kapag ganun na ang sinasabi niya? "I understand her position as a wife, masakit talagang malaman na may ibang babaeng pinagkakainteresan ang husband niya, pero nayayabangan lang ako sa dating ni Jinky when she said na kinuha na niyang lahat ang pera ni Manny at barya-barya na lang ang itinira niya. "That's what we call insecurity. And it's very true, an idle wife is a jealous wife," pahayag pa ng aming kaibigan. Bow na lang kami. Wala na kaming ibang masasabi pa. Source: The Philippine Star |