|
|
| Panganay nina Juday at Ryan, may pangalan naAuthor: Nitz Miralles Sobrang saya sina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos sa pagpayag ni Sharon Cuneta na mag-guest sa Oh, My Girl! Kasama na si Megastar nina Regine Velasquez, Rez Cortez, Mel Martinez, Kechup Eusebio, Jeffrey Santos at Bembol Rocco sa guests ng Regal movie na may July 29 playdate sa direction ni Dante Garcia. "Excited at aligaga kaming makasama si Sharon. Kita n'yo, may party bigla at dumating si Mother Lily (Monteverde). Malapit na kaming matapos, Wednesday lang kami nakakapag-shoot, pero masaya ako sa role ko. Naisip ko nga, puro woman role ang ginagawa ko lately pati sa Spoiled Brat, sa SOP na lang ako lumalabas na lalaki," ani Ogie. Honored din si Judy Ann na makasama si Sharon sa movie nila ni Ogie kahit guest lang ito, may Regine na raw sila, may Sharon pa. Ni-record na rin nila ni Ogie ang theme song ng pelikula at tiniyak nitong magugustuhan ng tao ang OMG! na comedy, pero may puso. "Okey kami ni Ogie at maganda 'yung friends na kami bago pa kami nagkatrabaho. Ang kuwentuhan namin ngayon tungkol sa mga bagets at sa partners namin. After magkasakit si Ryan (Agoncillo), si Regine naman ang nagkasakit, kaya malungkot si Ogie," sabi ni Judy Ann. Gusto ni Sharon na magka-baby sina Judy Ann at Ryan at gusto ni Judy Ann magbuntis siya this year at manganak next year. May napili nang name si Ryan para sa baby nila, na 'di sinabi ni Judy Ann at baka gayahin. Ipagdasal daw natin na magbuntis na siya. * * * Kumpleto na ang cast ng Narda/Darna na July 6, ang target first taping day ni Direk Dominic Zapata. Leading man ni Marian Rivera si Mark Anthony Fernandez, si Iwa Moto si Valentina, si Nadine Samonte sa role ng Babaing Impakta, si Maggie Wilson ang Babaing Lawin, si Ehra Madrigal ang Babaing Linta, si Isabel Oli ang Babaing Tuod at si Paolo Contis sa role ng cobra. Ay, magkasama sina Isabel at Paolo. Wala lang! Ang iba pang kasama sa cast ay sina Caridad Sanchez, Ricky Davao, Raymart Santiago, Jestoni Alarcon, Alfred Vargas, Janice de Belen, Roxanne Barcelo, Bearwin Meily, William Martinez, Gabby Eigenmann, Rita Avila, at Celia Rodriguez. Ang alam namin, si Robert "Buboy" Villar ang gaganap na Ding, pero hinihintay pa raw ang working permit from DOLE. * * * Naiyak si Iwa sa sobrang tuwa nang malamang kasama siya sa cast ng Narda/Darna at sa kanya pa ibinigay ang role ni Valentina, ang main contravida ni Marian Rivera. Big break ito sa kanya't alam ding marami ang nagnasa sa role, pero sa kanya ipinagkatiwala ng GMA-7. Labis ding ikinatuwa ni Iwa ang pagna-number five niya sa 100 Sexiest ng FHM at kailangang panindigan niya ang pagiging sexy. Ang ikinalulungkot lang nito, iiwan niya ang Adik Sa 'Yo. Masaya siya sa mga kasama sa rom-com series. Samantala, sa Adik Sa 'Yo, duda na si Aurora (Chanda Romero) sa mga ikinikilos ni Carlos (Marvin Agustin) at pababantayan niya kay Andrea (Iwa). Gusto ng binatang ipa-ultrasound si Joana (Jolina Magdangal) para makita ang baby. Nagkabalikan sina Ruben (Dennis Trillo) at Camille (Pauleen Luna), magki-kiss sila at makikita ni Karen (Jennica Garcia). * * * Payag mag-guest ni JC de Vera sa Oh, My Girl! sa role ng isang pari at inaayos na ang schedule niya para 'di magkaproblema sa taping ng Ngayon at Kailanman. Hindi pa man nagsu-shoot, excited na ang actor na mapasama sa pelikula. Samantala, this Friday sa Ngayon..., sasaktan na sana ni Donna (Arci Muñoz) si Ayra (Hear Evanglista), pero may mga dumarating, kaya tinakpan na lang niya ito ng dahon. Inamin ni Edwin (JC) kay Donna na mahal na mahal niya si Ayra kahit iniwan at galit ito sa kanya. Nangako itong babawiin si Edwin at ililigwak si Ayra. Source: People's Tonight |