Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pangungulangot ni Marian sa harap ni Dingdong, huling-huli ng sikat na celebrity!

Pangungulangot ni Marian sa harap ni Dingdong, huling-huli ng sikat na celebrity!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

ALIW na aliw ang isang TV host, na kapatid din ng isang sikat na celebrity, sa nakita niyang lam­bingan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Rockwell kamakailan.

Sabi pa ng TV host, gandang-ganda raw ang ate niyang sikat na celebrity kay Marian nu'ng makita ito. Wala raw ka-make up-make up si Marian, at simpleng sando at pajama pants lang daw ang suot nito, pero lutang na lutang pa rin ang ganda.

At kuwento pa raw ng ate niya sa kanya, kitang-kita raw sa kilos nina Marian at Dingdong na wala silang problema. Lalo na sa parte ni Marian, na panay raw ang ngiti sa mga sinasabi sa kanya ni Dingdong.

At patuloy na kuwento pa rin ng TV host, sinabi raw sa kanya ng ate niya na bagay na bagay raw talaga sina Marian at Dingdong, dahil parehong guwapo at maganda ang da­lawa.

Kitang-kita rin daw ng ate ng TV host kung paano pagkaguluhan ng fans sina Marian at Dingdong nu'ng mga oras na `yon. Pero, balewala raw `yon kina Marian at Dingdong, dahil isa-isa nilang ini-entertain ang mga lumalapit na fans sa kanila.

Sabi pa raw ng ate ni TV host, malayo raw sa nakita niya ang image na ibinabato kay Marian, na suplada sa mga fans. Hindi raw kasi nagdamot si Marian na mag-autograph sa mga fans. At panay raw ang ngiti nito habang pumipirma sa papel na dala-dala ng mga fans.

Matapos daw ang pagpirma ay umalis na rin sina Dingdong at Marian sa lugar na `yon. Pero, sa hindi inaasahang pangyayari, nakasabay pa rin daw ng ate ng TV host sina Marian at Dingdong sa kalsada.

Isang top of the line na sasakyan daw ang dala ni Dingdong. Si Dingdong daw mismo ang nagda-drive at nasa tabi lang nito si Marian.

Hindi raw tinted ang sasakyan ni Dingdong kaya kitang-kita raw ng ate ng TV host ang ginagawa ng dalawa.

At naloka raw ang ate ni TV host sa nakita niya sa ginawa ni Marian. Wala raw kasi itong pakia­lam na nangulangot na hindi man lamang gumamit ng tissue.

Kumbaga, hindi na raw nagpaka-poise pa si Marian sa harap ni Dingdong.

Anyway, nilinaw ng TV host na hindi pinipintasan ng ate niya ang ginawa ni Marian. Katunayan, naaliw pa raw ito sa ginawa ni Marian, na halatang kampante na talaga kay Dingdong.

Source: Abante