Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paninira, tinawanan ni Bistek

Author: Vinia Vivar

PINABULAANAN ng kampo ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista ang lumabas na balitang nagmura siya't nagalit sa staff dahil pinagpo-produce niya umano ng dalawang milyong piso sa loob ng 30 minutes.

Ayon sa lumabas na item sa isang tabloid (not People's Tonight), ang naturang insidente ay nangyari noong October 15 at nagbanta pa umano ang vice mayor na hindi pasusuwelduhin ang mga tauhan.

Sey ng isang malapit kay Bistek, wala ito noong Oct. 15 sa opisina dahil maraming meeting, kaya paano magkakaroon ng ganoong eksena?

Idinagdag din ng kausap namin na priority ni Vice Bistek ang suweldo ng mga tao. Ayaw daw nitong nale-late ang sahod dahil alam nito ang buhay ng may pamilya.

Hindi rin daw totoong nagmura si Bistek at natawa na lang ito sa lumabas na paninira dahil 100 percent na walang katotohanan.

* * *

NAKAUSAP namin si Rachelle Ann Go sa presscon ng mga talent ng Viva Artists Agency at siyempre, ang unang nilinaw namin sa kanya ay ang isyung split na sila ni Gab Valenciano.

Sa totoo lang, hindi rin alam ni Rachelle kung ano ang sitwasyon nila ng boyfriend ngayon. Wala naman daw silang formal breakup, pero two months nang parang nagkakalabuan sila.

Nagkikita raw sila sa ASAP '09, pero very civil lang sila sa isa't isa. Lumabas pa sila noong first week ng October, pero hindi nila napag-usapan ang tungkol sa relasyon at sa kasalukuyang sitwasyon.

Ayon kay Rachelle, nagkaroon sila ng tampuhan two months ago. Ayaw nang i-reveal ng singer kung ano ang dahilan nito, pero walang third party.

Simula raw noon, hindi na sila naayos.

Nasaktan daw siya at naubos na ang luha sa kaiiyak, pero very thankful siya na nandiyan ang family at friends niya para i-comfort siya.

Maging ang ex-boyfriend niyang si Christian Bautista, todo rin ang suporta.

Hindi alam ni Rachelle kung saan na sila papunta ngayon ni Gab.

Pero say niya, pakiramdam niya ay magtutuluy-tuloy na ang pagkakalayo nila.

"Ayoko ring magsalita nang tapos, kasi baka mamaya, sabihin kong wala na, tapos bigla kaming nagkaayos," she said.

Sa ngayon, nagpapaka-busy na lang siya sa trabaho. Naghahanda siya para sa upcoming concert nila ni Jed Madela na True Champions, na gaganapin sa October 24, 8 p. m. , sa Skydome ng SM North EDSA.

Inimbitahan daw niya si Gab, pero hindi niya alam kung darating ito.

Source: People's Tonight