Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paolo Bediones inilampaso si Jericho Rosales

Author: Lito Mañago
Column: Hot Sources

NAGTALA ng 31. 8 percent sa rating ang premiere ng Survivor Philippines (GMA's new franchise show) hosted by debonair Paolo Bediones against Kahit Isang Saglit (topbilled by Jericho Rosales, Christopher de Leon and Carmen Soo) na nakakuha naman ng 22 percent.

Ang layo ng difference ng dalawang ratings kung kaya maliwanag na inilampaso ni Paolo si Jericho.

Pumapalo nga sa rating game ang Survivor Philippines at exciting ang bawat episode nito. Kung susuriing mabuti, exciting talaga ang line-up ng 18 castaways. News and Public Affairs (NPA) ang may hawak ng Survivor Philippines kaya ibang-iba ito sa mga napapanood natin sa Entertainment department ng Siyete.

Sa castaways, piling-pili rin ang pumasa at nakuha para sa pinaglalabanang P3 million cash prize at titulong first Pinoy Sole Survivor.

May model, mekaniko, call center agent, basketball player, driver, yaya at maraming iba pa.

May isa kaming tinututukan.

His name is John Lopez.

Sana tumagal siya 'til the end of the competition at eventually, tanghaling first Pinoy Sole Survivor.

Sa nakalap naming impormasyon kay John sa Internet, isa pala siyang commercial at print ad model.

Ilan sa mga nagawa niyang TVCs, print and billboards ay Smart Communications, Metro-bank Femme Visa and Credit Cards, Del Monte Fit and Right, Yamaha Motorcycles, Ayala Land at Folded and Hung.

John hails from the Bicol Peninsula (CamSur).

And what makes him stand-out from the other male castaways is the fact that he has a moreno skin (ala-Richard Gomez ang dating), guwapo, matangkad at puwedeng ma-ging isang TV at movie star.

Handa rin daw si John na pagdaanan at kayahin ang lahat ng klaseng challenges na ipagagawa sa kanya ng Survivor Philippines.

Will John makes it as the first Pinoy Sole Survivor?

* * *

GALING mismo kay Jennylyn Mercado, nang makausap ng Startalk nitong Sabado via phonepatch interview, na tuloy na ang pagbabalik-showbiz niya after she gave birth to her first-born baby boy by former boyfriend Patrick Garcia.

On Patrick, tila tumigas na ang puso ni Jennylyn sa dating kasintahan at tatay ng kanyang unang supling.

Sa tanong kung handa siyang ipakita ang anak kay Patrick, tumawa lang si Jen at sabay sabing, "Naka-move on na ako!"

At idinugtong pa niyang, "Let's all move on!"

Na para bang sinasabing tapos na nga ang maliligayang araw nila ng dating BF.

On her comeback pro-ject on GMA-7, nabanggit ni Jennylyn na dapat si-yang abangan ng kanyang fans by October.

By this time, fully recovered na rin siya sa pagsilang niya kay Jazz via CS (caesarian section) sa St. Luke's Medical Center last August 16.

Kinumpirma na rin ng dalagang ina na tinanggap na ng kanyang management company (under siya kay Becky Aguila) ang role sa One Night Only na pagsasamahan nila ng co-Starstruck graduate na si Katrina Halili para sa OctoArts Films ni Orly Ilacad.

This will be OctoArt's entry to the annual Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) this year, at makakasama rin sa pelikula sina Diana Zubiri, Paolo Contis, Ricky Davao, Alex de Rossi, Jon Avila, Joross Gamboa, Valerie Concepcion, etc.

At kung kakayahin ng schedule ni Jen, kasama rin siya sa Iskul Bukol 20 Years After nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Kapag nagkataon, dalawa ang festival entry ni Jennylyn.

Inihahanda na rin daw ng GMA Network ang pro-yektong lalabasan ng brand new mommy.

Dinig din namin, muling ipapareha ng Kapuso si Jen kay Mark Herras, ang male counterpart ng aktres sa first batch ng StarStruck.

Kung hindi mababago ang plano, unang project nina Jen at Mark ang appearance nila sa Dear Friend, a Sunday drama show nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Sa totoo lang, malakas pa rin naman ang hatak ng Jennylyn-Mark tandem at marami nga ang nagpipetisyon sa GMA-7 via Internet na muling pagtambalin sa isang project ang dalawang ultimate survivors ng first artista-based reality show ng Kapuso Network.

* * *

For comments, email us at whalesharkph@ yahoo. com

Source: Taliba