Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paolo Bediones 'ka-level' na ni Dingdong Dantes

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

KA-LEVEL na pala ngayon ni Paolo Bediones si Dingdong Dantes sa pamimigay ng bonggang thanksgiving party for the press.

Ang okasyon, ang 10th year anniversary niya sa showbiz.

At bilang pasasalamat sa press na tumulong sa kanya through the years ay nagpa-raffle siya ng P15-thou cold cash bilang grand prize. Namigay rin siya ng bonggang dual SIM celphones, TVs, DVD pla-yers, MP3 players, wireless phones, printers at P5-thou gift checks from McDo. Plus nagpa-raffle din siya ng 'dates' sa 13 castaways na na-eliminate na sa Survivor Phi-lippines".

Take note, walang umuwing luhaan dahil si-nigurado ni Paolo na lahat ay nanalo sa raffle. Bukod doon ay may give-aways pa siya sa lahat na personalized Survivor backpacks, caps and t-shirts plus Radox body scrub.

May trivia game din plus puzzle and 'trip to Jerusalem' games with the 13 castaways mismo. Bumaha rin ng food and drinks kaya ang saya-saya ng lahat.

Si Ai-Ai Delas Alas ay nagpa-raffle din ng bonggang cash prizes sa presscon ng MMFF entry niyang Tanging Ina N'yong Lahat.

Sino naman kaya ang susunod kina Dingdong, Ai Ai at Paolo na magsi-share ng kanilang bles-sings sa press?

* * *

SA loob ng 10 years ay naka-14 shows na pala si Paolo Bediones sa GMA-7.

Ang ilan sa mga ito ay ang Game Plan, Mor-nings at GMA, Extra-Extra, S-Files, LG Quiz Show, Tok-Tok, Extra Challenge at Survivor Philippines.

Nakagawa na rin siya ng soap, ang Captain Barbel ni Richard Gutierrez.

May 2 movies na rin siya -- Walang Kapalit with Sharon Cuneta at Exodus with Bong Revilla.

Gusto niyang magkaroon ulit ng bagong soap at pelikula. Pero, ang pinakaaasam-asam ni Paolo ay ang season 2 ng Survivor Philippines na gusto niya ay sa Madagasgar, Africa naman gawin.

Well, mukhang magtutuluy-tuloy ang pro-jects at mga raket ni Pao-lo lalo pa't dalawa na ang managers niya ngayon sina Joji Dingcong at si Noel Ferrer na manager rin nina Ryan Agoncillo at Chris Tui. Bongga.

At pagdating naman sa wedding plans niya with girlfriend Abby Re-yes, it will happened two years from now daw. Meaning sa 2010! By that time ay super-stable na financially si Pao-lo.

* * *

AYAW ding magpa-talbog ang ABS-CBN sa kanilang Christmas party for the press na gina-nap last Tuesday. Naka-lulula ang cash prizes na ipinamigay nila.

Nandiyan ang apat na grand prizes na apat na P20, 000. Namigay rin sila ng apat na P10, 000. Ganundin sampung P5, 000 cash prizes. Namigay rin sila ng wireless bayantel phones, hotel accommodations, microwave oven at washing machine. Bukod dito, may giveaways at instant door pri-zes ang lahat ng press na pumunta. Plus ang lucky money o 'ampaw' na P2,000 sa bawat reporter.

Nagpa-dancing at si-nging contest din sila kung saan P3,000 ang prize sa nanalo at P1, 000 each consolation sa mga talunan. For the costume contest, namigay sila ng P8,000 para sa grand winner na si Rey Pumaloy na naka-sirena costume (nanay raw siya ni Dyosa na si Anne Curtis) at P5,000 at P3,000 naman sa runners-up na sina Rommel Placenta na naka-costume ng Varga at John Fontanilla na naka-jester costume. P6,000 naman ang napanalo ni Pilar Mateo sa Matanglawin game.

Ang tanong ng lahat ng press, matalbugan kaya ito ng Christmas party ng GMA-7 for the press na gagawin naman sa Dec. 14? Dapat lang dahil sila ang No. 1 network sa Pilipinas!

Source: Taliba