Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paolo Contis and Isabel Oli: It's over

Author: Fidel Jimenez
Column: Entertainment

Mutual decision daw at walang third party na involve sa desisyon nina Paolo Contis at Isabel Oli na wakasan ang halos tatlong taon nilang pag-iibigan.

Sa exclusive interview ni Ricky Lo kina Paolo at Isabel na ipinalabas sa "Startalk" nitong Sabado, nakiusap ang dalawa sa publiko na unawaan sila kung hindi nila ilahad ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

"Sa amin na lang yun," ani Paolo nang tanungin ni Ricky kung bakit sila naghiwalay. "Basically personal differences, we tried to work it out, she adjusted for me, I adjusted for her. We tried but mahirap eh."

Sa hiwalay na interview, sinabi naman ni Isabel na: "Siguro kung ano ang nangyari sa amin na lang yun. Kasi since dati pa private naman talaga kaming tao even before... inamin lang namin talaga, sa ngayon sa'men na po yun."

Inamin ni Paolo na dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang magkasundo sila ni Isabel na maghiwalay. Pero bago nito dalawang ulit na rin daw muntikan silang maghiwalay.

"It was a long process naman, matagal naming pinag- usapan. Matagal naming sinubukang i-work out... pero of course, pinag-usapan namin and the decision is mutual," ayon sa aktor.

Kinumpirma naman ito ni Isabel. "Pinag-usapan namin yun... bago pa lang, na-shock nga ako wow, kumalat na agad... pero bago lang 'yan."

Ayon kay Ricky, nasaktan daw si Isabel nang labis dahil si Paolo ang unang nagpahayag ng hiwalay at idinaan lang sa pamamagitan ng text.

Inamin naman ito ni Paolo at idinahilan na nahihirapan siyang magtapat sa dalaga nang harapan kaya idinaan sa text ang pakikipag-break.

"Kasi mahirap sa harapan, mahirap talaga...pinag-usapan namin then eventually we decided, nag-text na lang (ako) nag-text back naman (sya)...mahaba- haba naman ang eksplinasyon," ayon kay Paolo.

Nagkataon ding kabi-break lang ng best friend ni Paolo na si Dingdong Dantes sa nobyang si Karylle kaya hindi naiwasan ni Ricky na magtanong kung nag-usap ba ang dalawa ng hiwalayan ang kanilang mga nobya.

"Nagkataon lang," ayon kay Paolo. "Even nung time ni Dong (kay Karylle) ako ang kinakausap ni Dong. Yung time na ako naman, ako naman yun kung paano sasabihin na maganda. Pero siyempre wala naman siyang kinalaman kung ano man. We have our own decision nagkataon lang na nagkasabay."

Walang third party?

Sa tanong ni Ricky kung may third party na involve kaya nagwakas ang halos tatlong taong relasyon ng dalawa, sagot ni Paolo, "Wala, wala. 'Yon yung isa na pwede naming masabi talaga and for the people naman may magsasabi baka meron, pero wala."

"As far as I know wala. Saka hindi naman yun ang cause if ever. Hindi naman yun ang cause...walang mga ganyan ganyan girl issue," ayon kay Isabel.

Inamin ng dalaga na hindi naiiwasan na nagkakaroon sila ng away ni Paolo pero kaagad naman daw nila itong naaayos. "May mga away-away lang pero naso-solve namin agad kasi kami naman ni Pao, both ayaw namin ng away so as much as possible bago kami matulog solve agad ang problem."

Aminado naman ang dalawa na masakit daw ang kanilang paghihiwalay pero kailangan daw nila itong gawin para mag-grow.

"Sobrang masakit. Masakit lang pero kailangan lang sigurong...kailangang mangyari," sambit ni Isabel na nagpahayag na kailangan niyang mag-adjust ngayon dahil halos araw-araw niyang kasama noon ang binata.

"Tanggap naman of course, ipokrito 'ko naman kung sabihin kong hindi masakit," pahayag naman ni Paolo na nagsabing bahagi ng kanyang pag-aadjust ay huwag munang kontakin ang dalaga.

Sa ngayon, sinabi ni Isabel na hindi si Paolo ang taong tatawagan niya sakaling magkaroon siya ng problema na indikasyon ng malalim na sugat sa puso na idinulot ng kanilang paghihiwalay.

Sa ngayon hangad daw ng dalawa ang kaligayan ng isa't isa.

"Ayoko naman magsalita nang tapos. If dumating yung time na may manliligaw o may mamahalin siyang tama bakit hindi. Yun yung consequence ng paghihiwalay," ayon kay Paolo.

Sagot naman ni Isabel: "Ang importante lang naman sa'ken kung saan happy si Pao OK dun ka...and I'm sure ganun din yun sa'ken kung saan ako happy dun din ako."

Nang tanungin ni Ricky si Paolo kung mahal pa rin niya si Isabel.

"Of course, she will always be in my heart," tugon ng binata.

"Forever yun mamahalin ko sya. He will always be special to me... hindi lang kasi sya boyfriend, my best friend ko rin. Lahat alam nya lahat, halos araw-araw magkasama kami so dyan pa lang mami-miss ko yun...ang daming maganda kay Pao na nakaka-miss," pahayag naman ni Isabel.

Source: GMANews