|
|
| Paolo Contis denies E.B. Babe Lian Paz is his new girlfriend![]() Author: Rose Garcia Tulad ng ibang artista, sa Boracay rin napiling magbakasyon ni Paolo Contis kasama ang kanyang kaibigang si Dingdong Dantes at ang pamilya ng huli. Nakausap din ng Startalk si Paolo while vacationing at this world-renowned vacation spot. "Ayos! Masaya! Actually, last day na namin ngayong gabi nina Dingdong. So, baka mag-island hopping lang. Relax lang, bago magsimula ang trabaho next year," pagbabalita ni Paolo nung makausap siya ng Startalk reportorial team a few days before the new year entered. Ayon pa kay Paolo biglaan lang din daw ang pagkakasama niya sa pamilya ni Dingdong na mag-bakasyon sa Boracay. "Nang magkuwentuhan kami ni Dingdong, sabi niya sa akin, buong pamilya pupunta. Sabi niya, sama ka na. 'Tapos, kinuha niya 'ko ng ticket. So, wala na 'kong choice," natatawang kuwento ni Paolo. "So, sige, sama na 'ko!" Katulad ng kayang kaibigang si Dingdong, hindi rin naging maganda ang kinahinatnan ng love life ni Paolo last year. And just like Dingdong and Karylle, parehong three years lang din ang itinagal ng relasyon nila ni Isabel Oli. "Pinlano naming dalawa yun, e," natatawang biro pa niya. "Ewan ko! Nagkakataon na kaming dalawa, nagkataon lang! Pero yung closeness, walang kinalaman yun in terms of decision-making, in terms of our personal lives. "Siyempre, may kuwentuhan 'yan, may tips, but at the end of the day, decision namin kung anuman ang dine-decide namin sa isa't isa." STILL THERE FOR ISABEL. May balitang unti-unti na raw nakaka-recover si Isabel sa naging breakup nilang dalawa. "That's good! I'm happy for her that she's recovering. I know her family is here now kaya siguro madali also for her. Kasi, buong pamilya niya nandito at Pasko. And I'm happy na nakaka-recover na siya." Nagpaabot tuloy ng message si Paolo kay Isabel. "I hope you will have a great, great 2009. Hindi lang 2009, kundi pati 2010, 2011, 2012... lahat-lahat sa career mo. And I'm always here for you." A GOOD START FOR 2009. Mukhang maganda ang pasok ng 2009 para kay Paolo. Kabilang na rito ang isang primetime show at game show. "This January, I'm starting three new shows, so, sana maging tuluy-tuloy. Meron kaming soap ni Dingdong, magiging kontrabida ako sa kanya. I'm hosting [a show] and I'm doing another one, so, sana maging tuluy-tuloy. And hopefully, another movie or two." A NEW LOVE? Mukhang may bago na rin daw pag-ibig kay Paolo dahil last December 29, namataan daw ng Startalk na magkasama sa Boracay sina Paolo at E.B. Babe Lian Paz. Pero ayon kay Paolo, magkaibigan lang daw sila ni Lian. "Lalabas at lalabas din naman 'yan kapag meron na. So, hindi ko minamadali. Tamang timing lang 'yan, so, kung makita, e, di makita. Kung hindi, e, di hindi. I have no certain taste. Hindi mo alam kapag tinamaan ka, tatamaan ka, e. "So, hindi mo alam." Nangiti si Paolo sa tanong kung posible raw kayang may nakita na siyang papalit sa iniwang puwang ni Isabel sa kanyang puso? "Baka...baka...hindi ko minamadali. Tingnan natin. I'm taking it one day at a time. I'm happy. I'm good." Source: Philippine Entertainment Portal |