|
|
| Paolo Contis denies report he was kicked out of home because of girlfriend Lian Paz![]() Author: Rose Garcia Isa si Paolo Contis sa halos hindi nababakanteng mga artista sa Kapuso network. Heto nga't pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, na magtatapos na sa May 1, ay may kasunod na siya agad na proyekto. "Hindi pa puwedeng sabihin, e. Pahinga ako ng mga three weeks, tapos start work. Konti lang yun, malalaman n'yo rin agad kung ano yun," sabi ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Ang Rosalinda ba ang next project niya? "No comment, no comment!" iwas ng aktor. "Basta ako naman, kung ano ang ibigay sa akin ng GMA-7, gagawin ko. Basta ang sabi nila, mag-i-start ako after three weeks. So, I'll work after three weeks. "Hosting meron din... Actually, suwerte ako kasi naging maayos ang rating ng My Dad Is Better Than Your Dad, so may kasunod akong hosting na gagawin, weekdays naman. Tuluy-tuloy yun. It's new. Hindi ko pa alam ang title, pero ang alam ko lang, yung papalit sa World Records. May kontrabida at may hosting din." EVIL TO THE BONE. Bilang si Rado sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, aminado si Paolo na sobrang masama raw niya rito. In fact, sa sama niya, hindi na raw siya babait at hindi na rin niya inilihim na mamamatay siya sa serye. "Dapat mamatay talaga si Rado. Sa sobrang sama niya!" natatawang sabi ni Paolo. Mabuti at hindi siya katulad ng ibang nagkokontrabida na hindi pumapayag na hanggang sa dulo ay masama pa rin ang kanilang character? "Actually, noong wala pa akong hosting, sobrang ano ko yun... Gusto ko sa ending, may redeeming factor. But since I do hosting naman on weekends, okey na sa akin yun. Kung napansin ng iba, grabe ang sama ko sa Babae, at the same time, with the rating na meron kami sa My Dad, I think, okey naman." Ayon kay Paolo, mula 8 a.m. hanggang 6 p.m. daw umabot ang fight scene nila ni Dingdong Dantes sa ending ng soap. Mula day effect daw ang kinuhanan. Mismong si Dingdong na raw ang nagsabi kung paano dapat mamatay si Rado. "Masaya kaming dalawa. Sabi nga namin, hindi puwedeng hindi si Dingdong ang pumatay sa akin!" natatawang sabi ni Paolo. Dagdag niya, "I think, we have very good ratings during the time na kami na ni Dingdong ang naglalaban. So, happy naman ako sa naging [pagtanggap] ng tao. I hope maulit. I hope sa next soap, maaaring hindi kami ang gawing magkalaban, pero sana maulit naman 'yan. It won't stop the friendship or whatever." Lian Paz. Sa launching ng "Sine Direk" sa Teatrino Greenhills, kasama ni Paolo ang girlfriend niyang si Lian Paz. Isa si Paolo sa mga artistang may ginawang pelikula, ang Litsonero under the direction of Lore Reyes. Kumusta na sila ni Lian? "We're doing great," sagot ni Paolo. "We're doing great. Lian and I, we're doing great. More or less, we're on our four months." Paano niya ide-describe ang four months na yun? "Masaya...masaya! Sobrang saya, sobrang challenging." Hindi naman masasabing masalimuot? "Hindi... Everything, okay kami." May isyung pinalayas diumano siya ng kanyang ina sa bahay nila dahil sa relasyon nila ni Lian. Totoo ba ito? Source: Philippine Entertainment Portal |