Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paolo Paraiso hurt in obstacle course accident

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Naaksidente si hunk-actor Paolo Paraiso sa isang obstacle course sa Camarines Sur nitong nakaraang Semana Santa.

Ayon sa isang ulat sa Chika Minute portion ng "24 Oras," nalaglag si Paolo sa isang humigit kumulang 20-ft high obstacle course.

Hindi nabanggit sa ulat kung para saan itong obstacle course at saan sa Camarines Sur naganap ang aksidente.

Sa kabilang dako, binalita din ni Paolo na naghahanda na ito para sa kanyang pag-alis papuntang Chicago upang samahan ang ex-girlfriend na si Mylene Dizon sa pagsisilang ng kanilang ikalawang anak.

Dagdag pa ni Paolo, excited na rin daw ang kanilang 3-taong-gulang na panganay na si Tomas.

"Actually ang tawag na sa kanya ngayon is kuya. Gusto niya na tinatawag siya na kuya," ani Paolo. - Aie Balagtas See, GMANews.TV
Email this | Email the Editor | Print |

Source: GMANews