Paolo Paraiso on marrying Mylene Dizon: 'Hindi uso sa amin yan' Author: Morly Alinio Sa kabila nang malakas na pagbuhos nang ulan sa Manila ay hindi natinag ang ABS-CBN.com sa isinagawang Goma Cup sa Boracay na nagsimula noong April 22. Naging mainit ang pagtanggap sa amin ng Fairways and Blue Water na kung saan ay agad naming nadatnan ang mag asawang Lucy Torres at Richard Gomez. Matapos ang masaganang pananghalian ay agad na nagtungo ang mga artistang sina Geneva Cruz, Martin Nievera, Drew Arellano at Paolo Paraiso sa dalampasigan para sa Beach clean up. Habang on going ang beach clean up ay unang nakausap namin si Paolo Paraiso na nagkuwento sa amin na nakapapanganak lang daw ng kanyang "friend" na si Mylene Dizon sa Amerika at lalake raw ang isinilang nito. Ayon kay Paolo na hindi pa maibigay ang kumpleto detalye nang panganganak ni Mylene ang pagsilang daw ng aktres ay biglaan na kung saan nagpa-tsekup lang ito pero hindi na raw pinayagan ng Hospital dahil anytime ay lalabas na ang sanggol sa sinapupunan." Actually dapat by next week pa ako pupunta sa amerika pero dahil sa nangyari after nitong Goma Cup ay lilipad na ako patungong amerika. Gusto ko nang makita si Lucas" Lucas ang ibinigay na pangalan ni Mylene sa ikalawang sanggol nila ni Paolo. Sinabi ni Paolo na wala silang commitment ni Mylene sa isa't isa. Ang relasyon daw nila ay magkaibigan at ang concern nila ay ang kanilang mga anak. Masaya daw sila sa ganitong set up ng kanilang samahan dahil walang pressure "Honestly maganda ang arragement namin ni Mylene. Pareho naming gusto ito at sa tingin ko naman ay pabor ito sa aming dalawa dahil sa totoo lang pareho kaming malaya at puwede naming gawin kung anuman ang gusto naming gawin, I mean anytime ay puwede siyang mag boyfriend ng iba at ako naman ay ganun din" Inamin ni Paolo na kahit may "nangyayari" sa kanila ni Mylene ay nagdedate parin siya ng ibang babae." Kasal? Naku wala yan, Hindi uso sa amin iyan. Wala kaming ganyang pinag uusapan ni Mylene basta ang importante sa amin ay parehong gusto namin ang aming mga ginagawa" pagtatapos ni Paolo. Source: ABS-CBN Interactive |