Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paolo at Lian, sweet sa Boracay

Paolo at Lian, sweet sa Boracay

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

IPINAGDUDUDA­HAN ang sweetness nina Paolo Contis at EB Babe Lian Paz nang makita silang magkasama sa Boracay bago ang Bagong Taon.

Kasi naman kasi, hol­ding hands silang namamasyal kesehodang mara­ming taong nakakita sa kanila, huh!

Proud na proud pa raw si Paolo na idispley ang sweetness nila ni Lian!
In fact, isang staff ng Startalk ang nakakita kina Paolo at Lian at nakunan pa ang sweetness nila at mapapanood daw this Saturday ang kuha ng dalawa.

Although may kasamang tatlo pang co-EB Babes si Lian sa Boracay na ginawan daw ng paraan ni Paolo para makasama sa biyahe, obvious na si Lian ang ka-date ng aktor.

Ratsada sa pagpapalit ng boyfriend si Lian, huh!

Hindi niya natupad ang pangako sa sarili na rest muna ang puso niya.

After ni Mark Herras, naging boyfriend niya ang director na si Jeff Tan.

November yata sila naghiwalay tapos, heto't si Paolo naman ang dyowa na kabi-break sa girlfriend na si Isabel Oli.

Aba, misery loves company ba ang drama nina Paolo at Lian. So soon, huh!
***

Namataan din si Dingdong Dantes sa Boracay before New Year kasama ang kanyang pamilya.

Nag-cruise pa raw sila bilang treat niya sa family but minus Marian Rivera, huh!

Tinanong namin ang manager ni Dingdong na si Perry Lansingan kung nasa Cavite ba noong New Year's eve ang aktor, natawa lang ito at sabi niya, nasa bahay at kasama pa rin ang pa­milya.

Naispatan din sa Boracay si Diana Zubiri with her boyfriend.
***

Dinagsa ng mga tao ang Lucky 09 Countdown to 2009 special ng GMA network sa seaside area ng SM Mall of Asia.

Kahit walang Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Richard Gutierrez, Marian Rivera, Dingdong Dantes at iba pang malalaking artists ng network, matin­ding kasiyahan ang inihatid nina Jaya, Allan K, Mark Herras, Iza Calzado, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at iba pang contract stars ng GMA.

Idagdag pa riyan ang milyong pisong halaga ng fireworks na sinindihan pagtuntong nang 12:00 MN na bonggang-bongga ang dating!

Reklamo ng ibang Sexbomb Dancers, super-dulas ng sahig ng stage. Na-out balance si Iza sa dance niya at napaupo ito, huh!

Ang reklamo naman namin, aba, 'yung coffee shop na malapit sa stage area ng show, maningil ba naman ng P400 per person para lang makapasok na malapit sa stage!

Ano ito, highway robbery?!

Happy New Year to all!!!

Source: Abante