|
|
| Paolo, host ng 'Survivor Philippines'Author: Nitz Miralles Matutuwa ang nagru-root kay Paolo Bediones na mag-host ng Survivor Philippines, dahil siya nga ang napili ng GMA News & Public Affairs na mag-host nito. This weekend daw, i-a-announce ang pagkakapili sa kanya, kaya inunahan na namin. Dati'y kasama lang si Paolo sa shortlist na pinagpilian to host the biggest reality show na ang franchise ay nakuha ng GMA Network. Tiyak na ang trabaho niya sa Extra Challenge, Whammy! at Tok, Tok Tok! ang nagbigay ng edge sa kanya sa ibang pinagpilian na hindi na sinabi sa amin kung sinu-sino. Kaya pala nang tinanong namin ang isang friend ni Paolo sa Channel 7 kung totoong may show ito sa ABC-5, ang sagot ay 'di kakayanin ng schedule ng TV host, dahil madugo ang next show niya. Sa May sisimulan ang audition sa key cities ng bansa para pumili ng 16 castaways na sasalang sa 39 days na intense physical at mental challenges. Hindi malinaw sa amin kung taping o airing time ang binanggit na "August" ng isang source. Pero, totoo kayang hindi rito, kundi sa isang bansa sa Southeast Asia, ang taping ng Survivor Philippines? * * * Pati Kapuso talent sumusuporta sa Ploning ni Judy Ann Santos. Ang love theme nitong Ikaw ang Pag-ibig, composition ni Ogie Alcasid, ay libre nitong ibinigay para magamit sa pelikula at ang singer-composer mismo ang kumanta at pa-birthday niya sa actress. Originally, for Sharon Cuneta ang nabanggit na kanta at kasama sa Sharon Sings Alcasid album ni Mega. Kinanta rin ito nina Judy Ann at Ryan Agoncillo sa compilation album nila sa Sony BMG Records. Marami palang firsts ang Ploning para kay Judy Ann, gaya ng first movie niya ito na may ka-tie-in na coffeetable book na ginawa ni Ryan at first time rin siyang co-producer at sumali sa conceptualization. Para mapadali ang pag-aaral niya ng Cuyonon, binigyan siya ng CD para matutunan ang right accent at intonation. Ang pelikula'y 40 percent Cuyonon at 60 percent Tagalog, pero may subtitles para naiintindihan ng tao ang sinasabi ng mga artista. * * * Ibabalik ng DMV Entertainment sina Rubirubi at ang Boyz. Com sa Rubirubi@Boyz. Com 2 sa Metro Bar, West Avenue, sa May 16. Guests sina Rufa Mae Quinto, na may special number with the boys, Hazel Ann Mendoza at Jan Nieto, na may duet with Rubirubi. Panay-panay ang rehearsal nina Polo Ravales, Gabb Drilon, Frank Garcia, Alwyn Uytingco at Joseph Bitangcol para hindi ma-disappoint ang manonood sa kanila. Kay Tony Carpio ang kanilang voice lessons at si Spike Bermudez naman ang choreographer. Todo praktis din si Rubirubi na ang highlight ng performance ay ang "nyukol rating" (as in, bukol) niya sa boys na klik sa mga bading. Itinanggi ni Rubirubi ang akusasyong ginagaya niya Ai-Ai de las Alas sa pagpapatawa. Nagkataon lang daw na may similarity sila at halos pareho ang style ng comedy. Makukumpara pa siya sa Comedy Concert Queen, dahil magkakasama sila sa isang comedy series sa ABS-CBN to be directed by Wenn Deramas. Ang Quezon City Chamber of Commerce ang beneficiary ng concert. For tickets and inquiries, call DMV Entertainment at 415-0373/374-1361 or text 0917-4532427; Metro Bar, 412-6514/374-7505; Ticketnet, 911-5555; at Ticketworld, 891-5610. * * * Nag-text si Jun Lalin para linawing sa Showbiz Central ang first appearance ni Heart Evangelista sa shows ng GMA-7 at hindi sa SOP. Paghahandaan yata nang husto ang pagwi-welcome kay Heart sa show, kung saan magiging mainstay siya. Nabanggit ni Wilma Galvante na bukod sa SOP at Asero, gagawa rin ng Sinenovela at Koreanovela si Heart (ito kaya ang local version ng Full House na gusto ng viewers, sina Richard Gutierrez at Marian Rivera ang magbida?). Si Annabelle Rama ang isa sa tuwang-tuwa na finally, magkakasama na sina Heart at Richard. Kinausap na pala niya ang actress for Captain Barbell at Lupin, na hindi nito tinanggap. Kung natuloy ding lumipat si Richard sa ABS-CBN noong 2004, si Heart ang nakapareha niya. * * * NGAYONG Biyernes sa Joaquin Bordado, maaabutan ni Joaquin (Robin Padilla) na naghihingalo si Dianne (Iwa Moto) hanggang mamatay. Hindi na niya ito natulungan, dahil inunang tulungan ang kapatid na si Jerome (Ian Veneracion). Nakita ni Joaquin sa ospital si Sofia/Carol (Iza Calzado) nang bisitahin si Jerome at ipauubaya na ni Joaquin ang asawa sa kapatid, dahil nakita niyang tanggap na nitong siya si Sofia. Bilang ganti sa pagpapaubaya ng kapatid, ituturo ni Jerome kay Joaquin ang kinalalagyan ng anak na si Jimboy (Renz Valerio). * * * MAY special episode ang The Sweet Life today, dahil 10th wedding anniversary nina Lucy Torres at Richard Gomez. Ang renewal of vows nila ang highlight ng show. Ipakikita kung saan nag-propose ang actor at mapapanood ang first commercial na kanilang ginawa. May surprise gift sa parents niya si Juliana, nag-iisang anak ng mag-asawa. Guests sa TSL sina Gelli de Belen at Ariel Rivera, na nagsi-celebrate rin ng 10th wedding anniversary. Magkukuwento rin ang dalawa ng mga pinagdaanan nila bilang mag-asawa at kung paano maging hands-on parents sa two boys nila. Six p. m. ito sa Q-11. Source: People's Tonight |