Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Paolo, magpapakasal na

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Masayang isini-celebrate ni Paolo Bediones ang 10th anniversary niya sa showbiz dahil mataas ang rating na nagtapos ang second season ng Tok! Tok! Tok! at maintain ng Survivor Philippines ang mataas na rating.

Malalaman natin sa TV host ang mga susunod niyang plano 'pag na-interview namin siya at aalamin na rin namin kung totoong may balak na silang pakasal ng girlfriend niyang si Abby Cruz.

May thanksgiving party si Paolo at nakakatuwang invited niya ang ilang castaway ng Survivor Philippines, minus 'yung hindi pa nabu-vote out.

Ang ilan nga sa pa-raffle ay involved ang castaway, gaya ng masahe from Patani, date with Jace Flores at kung anu-ano pang ikatutuwa ng press.

Sa thanksgiving party din ia-announce na si Noel Ferrer na ang tutulong mag-manage sa career ni Paolo at walang magiging conflict kung mina-manage rin ni Noel si Ryan Agoncillo dahil magkaibigan sina Ryan at Paolo.

Magpapakita pala ng VTR kung saan binati nina Mariel Rodriquez at Phoemela Barranda si Paolo, dalawa sa nakasama ng TV host sa Extra Challenge. But how true na isa sa nakasama ni Paolo sa show niya sa GMA-7 ang hindi pumayag magpa-VTR?

* * *

Ngayong araw ang balik nina Pops Fernandez at Zsa Zsa Padilla from the States at makakapag-rehearse na sila para sa Divas 4 Divas concert nila sa December 6, sa Araneta Coliseum. Pero hindi pa rin sila kompleto dahil si Kuh Ledesma naman ang wala't may show raw sa Las Vegas.

Na-interview si Regine Velasquez sa Showbiz Central last Sunday at wala siyang mai-comment sa pagre-resign ni Rowell Santiago as the concert director. Ang sinabi lang nito'y masaya silang magkakasama sa isang major concert.

Bukod sa pagre-resign ni Rowell, problema rin ng production ang pag-alis ng choreographer ng G-Force na magba-back-up kay Pops, pero willing itong bumalik kung ire-request ni Pops. By now, nalutas na siguro ang problemang ito.

Ibinalita rin sa SC ang tagumpay ng pa-auction ni Judy Ann Santos para madagdagan ang campaign fund nila para makapasok ang Ploning sa Best Foreign Film sa Oscars. Bukas, ang social ball sa Rockwell Tent na P10k per plate at marami rin ang tutulong sa aktres.

Marami ang nagulat sa ipinalabas ng show na exclusive photos ng wedding ni Raymond Bagatsing kay Cora Pastrana who is his senior. Ayaw pang magpa-interview ng dalawa, kaya hindi pa natin malalaman kung paano nagsimula ang May-December romance nila.

Aliw ang pagsalang ni Richard Gomez sa lie-detector test at tama na si Anjo Yllana ang nagtanong sa kanya dahil marami itong alam sa aktor. Pinaiyak pala ni Nadia Montenegro si Goma. 'Kaloka ha!

Bitin ang interview ni John Lapus sa Survivor Philippines castaway na sina Marlon Carmen at Kaye Alipio. Marami pa sanang gustong malaman ang viewers sa kinikilalang "bad boy" at "plastic" ng reality show.

* * *

Masaya ang interview namin kina Rey Valera, Eva Eugenio, Claire dela Fuente, Nonoy Zuñiga at Rico Puno, apat sa limang kasama sa Legends of OPM concert na gagawin sa PICC sa December 30. Si Joey Albert lang ang wala't nasa Canada pa ito.

Pare-parehong more than 30 years nang kumakanta ang lima at dahil sa galing, narito pa rin sila at heto nga't magsasama-sama sa isang concert na flashback at 80's tiyak ang dating dahil sa dekadang ito sila sumikat nang husto.

Ang Ako Si Superman ang first single ni Rey at Kung Kailangan Mo Ako ang biggest hit. Ang first single naman ni Eva ay Ikaw Pa Rin at Tukso ang biggest hit. Nonoy counts Never Ever Say Goodbye as his biggest hit and Ako'y Ikaw Rin ang first single.

Biggest hit ni Claire at first single na rin ang Sayang at si Rico, first single ang Love Won't Let Me Wait at biggest hits ang Kapalaran at The Way We Were.

Si Roxanne Lapuz ang director ng concert na produced ng Viva Concerts and Events with Jun Latonio as its musical director. Check n'yo na lang sa ticket prizes sa Araneta Coliseum at Ticketworld outlets.

* * *

Tuesday sa Luna Mystika, sa muling pagkikita nina Luna (Heart Evangelista) at Dexter (Mark Anthony Fernandez), hindi sasabihin ng dalaga na siya si Luna at magpapakilalang si Celestina (Heart).

Payag naman si Celestina na magpanggap na si Luna dahil nagwapuhan sa binata.

Nagkita na rin sina Malou (Kris Bernal) at Libado (Aljur Abrenica) at magsisimula ang kanilang pagkakaibigan.

Magugustuhan ng fans ng dalawa ang development ng relasyon ng dalawa at kung anong sakripisyo ang gagawin ng binatang tikbalang para magustuhan ni Malou. Marami pang mangyayari sa fantasy-drama na ito, tuloy lang ang pagtutok.

* * *

Favor ito ni Batangas Governor Vilma Santos, for the first time, isi-celebrate ng Batangas ang foundation nila mula December 5-8. May One Town-One Product sale and exhibit mula sa different cities and municipalities of Batangas.

Ang highlight ng celebration ay sa Dec. 8, whole day affair ito, may mass, breakfast with mayors, vice mayors, congressmen, board members at department heads. Sa gabi, may concert at tatlong banda ang tutugtog para mas sumaya ang okasyon.

Source: People's Tonight