|
|
| Paolo, wanted sa fans ni MarianAuthor: Nitz Miralles May exclusive interview ang Showbiz Central sa bagong panganak na si Angelika dela Cruz. Nanganak noong Friday, March 20, 10:06 a. m. sa UERM Hospital by caesarian operation ang actress sa baby boy nila ni Orion Casareo at pinangalanang Gabriel "Gabby" Casareo. "Cute, mestiso at super puti" ang 6. 12 lbs at 51 cm. baby boy. Hindi pa alam kung kailan ang binyag ng baby at 'di pa final ang list ng ninong at ninang. Ang tiyak, sa December 4 ang church wedding nina Angelika at Orion. * * * Matutuwa nito sina Iza Calzado at Sunshine Dizon dahil napupuri ang acting nila sa All About Eve at inaabangan ang kanilang confrontation. Pagalingan sila sa harap ng kamera at parang totoong magkaaway, pero off-cam, good friends sila. Hindi nakakalimutang pasalamatan ni Iza ang naitulong ni Sunshine noong nagsisimula pa lang siya. Masaya naman si Sunshine na kahit malayo na ang narating ni Iza, kinikilala nito ang maliit na naiambag niya sa kahusayan nito. Samantala, this Monday sa AAE, sisimulan nang ipalabas ang mga eksenang kinunan sa Singapore, simula nang magkakilala sina Nicole (Iza) at Kenneth (Mark Anthony Fernandez). Ang hindi nila alam, magiging hadlang sa kanila si Erika (Sunshine) na hindi makalimutan si Kenneth at rason kung bakit hindi siya ma-in-love kay Warren (Alfred Vargas). Pinapanood ni Alma (Eula Valdez) ang All About Eve hosted by Judith (Angel Aquino). Sa kulungan ang eksena, maaalala nito ang kaibigang si Katrina (Jean Garcia) na nakakulong. * * * Isa sa mga kagigiliwan ng viewers ng Zorro ang ba-gets na si Robert "Buboy" Villar na gumaganap sa role ni Pepe, sidekick ni Antonio Pelaez (Richard Gutierrez). Idol ni Buboy si Richard at bilib ito sa action scenes ng actor, bukod sa mabait ito sa kanya. Sabi ni Buboy, "ma-hirap na masaya" ang taping nila sa Bagac, Bataan, pero enjoy siya at alam ni-tong magki-klik ang Zorro hindi lang sa mga bagets. Sa rami ng girls na kasama sa show, may crush ba siya? "Meron, si ate Maureen (Larrazabal) dahil maganda na, sexy at mabait pa" Si Buboy ang napiling Most Popular Child Actor for Movies and TV ng Guillermo Mendoza Memorial Awards. Dream din nitong manalo ng acting award at pagtatrabahuan daw niyang magkaroon nito in the future. * * * Bukod kina Marian Rivera at Dingdong Dantes, si Paolo Contis ang inaabangan sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang dahil sa realistic portrayal sa role ng kontrabidang si Rado. Wanted siya sa fans ni Marian dahil feeling nila, tinototoo nito ang pananakit sa actress. Sa halip na mabagabag, natutuwa pa si Paolo sa reaction ng viewers at ibig sabihin, epektibo ang kanyang pagganap. Si Paolo pa na kayang gampanan ang lahat ng roles. Samantala, mamaya sa ABHSAT, planong ilipat ni Rado sa ibang safe house si Proserfina (Marian) para ihiwalay kay Ulysses (Mart Escudero). Maghihinala si Shiela (Francine Prieto) nang makita sina Proserfina at Homer (Dingdong) na nag-uusap nang malapitan. * * * Ipinaaalam ng Productions 56 na hanggang March 31 pa sila tatanggap ng applicants para sa Masculados, ang all-time favorite all-male song and dance group. Sa mga gustong maging member, ipadala ang inyong resume with close-up and full-body photos sa #405 West Mansions, 3 Zamboanga St. , Barangay Kanluran, West Avenue, Quezon City. May edad na 18-23 years old, not less than 5'7" in height, guwapo, maganda ang katawan at marunong kumanta ang hinahanap. Mag-apply na ang may ganu'ng qualifications. Source: People's Tonight |