|
|
| Para makaiwas kay Sharon, Gabby lilipad sa Hong KongAuthor: Vinia Vivar Nakarating na kay Gabby Concepcion ang tungkol sa isyung ayaw siyang pag-usapan ni Sharon Cuneta. At bilang respeto sa kagustuhan ng dating asawa, ayaw na rin daw munang magbigay ng pahayag ng aktor tungkol sa ex-wife nang sa gayun, hindi naman daw siya makasagabal sa promo ng Caregiver. Kung wala lang daw mga commitment ang aktor, gusto niya munang pumunta ng Hong Kong para magbakasyon habang kasagsagan ng promo ng pelikula ni Shawie. May naka-schedule na launching si Gabby ng Lucida next week at magge-guest siya sa concert ni Faith Cuneta sa May 25 sa Teatrino. Tatapusin lang daw ito ng aktor at balak nitong lumipad patungong Hong Kong. Ayaw naman daw kasi ng aktor na habang may pelikula si Sharon, siya pa rin ang pinag-uusapan, kaya iiwas na lang daw muna siya sa mga interview. Ganunpaman, hangad daw ni Gabby ang success ng Caregiver dahil alam niyang magandang pelikula ito at pinaghirapan ng buong produksyon. * * * Speaking of Faith, nakausap namin siya sa solo presscon niya kahapon para sa nalalapit na birthday concertm kung saan ay guest nga ang dating asawa ng kanyang Tita Sharon. Ayon kay Faith, sobrang saya niya nang malamang nakuha pala ng manager niyang si Jacob Fernandez ang serbisyo ni Gabby. Naitanong lang daw kasi sa kanya ni Jacob kung sino pa ang gusto niyang dumalo sa kanyang birthday concert and in passing, nabanggit niya si Gabby. Hindi niya akalaing kumilos pala ang manager para matupad ang kanyang wish. One time, sinabihan na lang daw siya na may meeting sila at pagdating niya, nakita niya si Mommy Rose Flaminiano, manager ng aktor, at ang publicist nitong si Chit Ramos. "Na-shock ako nang sabihin sa aking okay na si Gabby as guest sa concert ko. Hindi ko talaga ine-expect na tototohanin nilang kunin si Gabby, napakagandang birthday gift nito sa akin," sabi niya. Si Faith ay pamangkin ni Sharon, kaya lumalabas na "tito" niya si Gabby, kahit pa sabihing annulled na ang kasal ng dating mag-asawa. Bata pa lang daw siya ay maka-Gabby-Sharon na siya at lahat ng mga pelikula ng dalawa ay pinanood niya. Biniro namin si Faith kung balak ba niyang imbitahan si Shawie sa kanyang concert at tila nahihiya niyang sagot, "ay, baka po hindi na, kasi alam ko namang busy siya sa movie niya. " Bukod kay Gabby, guest din sa Celebrate Concert niya sina MMDA Chairman Bayani Fernando, Joy Viado, Paolo Ledesma at Arthur Manuntag. Ididirehe naman ito ni Bert de Leon. For inquiries, call 0920-2608043 or 721-0635. * * * Ayaw nang maulit ni Congresswoman Mary Mitzi "Mitch" Cajayon sa iba pang kababaihan ang nangyari sa kanya noong nakaraang taon, kaya nagdesisyon siyang magpasa ng isang bill kung saan ay nakasaad na maging mandatory ang pregnancy test sa lahat ng babaing sasailalim sa isang cosmetic procedure. Sa kanyang karanasan, muntik na raw silang malagay sa panganib ng kanyang baby nang sumaialim siya sa liposuction sa Belo Medical Group clinic without knowing na buntis pala siya at that time. Tinanong daw siya ng doctor na magsasagawa ng lipo kung siya ay buntis. Pero that time, hindi siya sigurado sa tunay na kalagayan, kaya idineklara niyang hindi. After the liposuction, magkahalong gulat at takot daw ang naramdaman niya nang malaman niyang eight weeks and three days siyang pregnant. Mabuti na lang daw at wala namang naging masamang epekto sa kanyang baby ang liposuction at nailuwal niya nang maluwalhati ang sanggol na babae. Pero dahil ayaw na niyang maulit pa ito sa iba pa nating kababaihan, nagpanukala siya ng isang batas �" ang House Bill 3417, which is "an act providing for the mandatory pregnancy testing of al women of childbearing age who will undergo cosmetic procedures that are harmful to pregnant women and unborn children and disclosure of the potential risks of such procedures. " Umaasa si Rep. Cajayon na susuportahan ng mga kapuwa niya kongresista at ng Senado ang ipinasang bill. Gayunpaman, wala raw balak maghain ng reklamo si Rep. Cajayon sa Belo Medical Group, pero naniniwala siyang responsibilidad pa rin ng anumang klinika na magsagawa ng pregnancy test bago isailalim ang babaing pasyente sa operasyon. Source: People's Tonight |