Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Parang celebrity... MTRCB Chair Laguardia 'di nauubusan ng intriga!

Parang celebrity... MTRCB Chair Laguardia 'di nauubusan ng intriga!

Author: Lolit Solis
Column: Take It Take It

May nagkuwento sa akin na punumpuno ng hi­naing ang isang aktres laban sa kanyang ex-dyowa dahil nag-sorry na ito sa TV, pero hindi pa personal na humihingi sa kanya ng paumanhin.

Para mag-emote ang aktres, malalim o malaki ang naging kasalanan sa kanya ng ex-dyowa.

Maliit lang ang showbiz. I'm sure, magkikita ang dalawa at kapag nangyari ito, dapat gumawa ng aksyon ang aktor para mawala na ang malaking tampo sa kanya ng ex-misis niya.

* * *

Magpaka-Hollywood naman tayo. Bonggang-bongga si Robert Downey, Jr. dahil pinipilahan sa takilya dito sa Pilipinas ang kanyang Iron Man movie.

Sino ang mag-aakala na magiging big star uli si Robert na nasangkot sa katakut-takot na eskandalo sa Amerika?

Forty plus na ang edad ni Robert pero bida na uli siya sa malaking pelikula na tumatabo ng kadatungan sa box-office.

Wala pa akong naririnig na nagsabi na pangit ang Iron Man nang panoorin nila ito sa mga sine­han. Lalo raw humaba ang pila kahapon sa takilya dahil holiday nga sa ating bayang magiliw.

Kung sinuman sa PSN ang personal na kakilala si Robert, paki-abot sa kanya ang aking pagbati sa success ng pelikula niya!   

* * *

Ano ba itong nabalitaan ko na nagpoprotesta uli laban sa pamamalakad ni Mama Consoliza La­guardia ang mga empleyado ng MTRCB (Movie and Television Review and Clas­sifi­cation Board)?

May nangyari raw na kilos-protesta sa harap ng MTRCB building sa Timog noong Miyerkoles.

Ipinoprotesta raw ng mga empleyado ng MTRCB ang illegal dismissal ng kanilang mga ka­sa­mahan.

Parang celebrity na rin si Chair Laguardia. Hindi siya nauubusan ng mga intriga at isyu.

Bukas ang pahina ng PSN sa explanation ni Mama Consoliza tungkol sa panibagong away nila ng MTRCB employees na type na mapatalsik siya sa posisyon!

* * *

Ready pala si Jobert Sucaldito sa possible amicable settlement mula sa kampo nina Gabby Concepcion at Mommy Rose Flaminiano pero hindi sa kanya manggagaling ang unang move.

Hindi nagpapainterbyu si Mommy Rose tungkol sa demanda na isinampa ni Jobert pero nabasa ko na maghahain din siya ng libel case sa korte.

Kung magdedemanda si Mommy Rose, lalong magiging mainit at malaki ang awayan portion nila ni Jobert.

Knowing Gabby, ipapaubaya nito kay Mommy Rose ang pag-aasikaso sa demanda ni Jobert dahil busy siya sa mga sariling kaso na matagal nang nakabinbin sa Manila City Trial Court.

* * *

Nagsampa ng kaso si Jobert noong Miyerkoles at ang sey ng aking source, nabulabog ang Justice Hall ng Quezon City dahil sa mga TV crews na nag­hintay sa pagdating ng accuser. Accuser daw o!

Lalo raw nabulabog ang mga tao nang ma-sight nila si Melanie Marquez na naroroon din dahil may hearing din na pinuntahan.

Eh magkaibigang matalik sina Jobert at Melanie kaya para silang nagkaroon ng instant reunion dahil matagal na silang hindi nagkikita.

Naloka nga si Jobert dahil hindi nakapunta si Me­lanie sa birthday party ng kanyang anak na si Carlo Brian noong Martes. Ang anak na si Mazen ang naging representative ni Melanie.

Hindi nga naka-join sa birthday party si Melanie pero kinabukasan, nagkita naman sila ni Jobert sa korte. It's a small world after all, debah?

Source: The Philippine Star