|
|
| Parusa ng ABS-CBN sa 'pambabastos' ni Willie inaabangan ng publikoAuthor: Gerry Ocampo NABASA namin ang pagtatanggol ng fans daw ni Willie na tama lang daw ang ginawa nitong pagpapatanggal ang footages ng paglilipat ng burol ni Tito Cory sa programa niyang Wowo-wee dahil nagsasaya sila tapos makikita 'yung kalungkutan sa pagkamatay ni dating Pangulong Cory Aquino. Tama lang daw 'yun at kinakampihan pa nila ang iniidolong TV host sa ginawa nitong pagpapatanggal ng naturang footages sa Wowowee. Pero hindi naman kaya inisip ng diehard fans ni Willie na puwede naman niyang iutos kapag nag-commercial bilang pagbibigay respeto na rin sa pamil-ya Aquino, 'di ba? Anyway, marami ang nag-e-email at nagtatanong kung ano raw ba ang gaga-wing hakbang ng pamunuan ng ABS-CBN sa ginawa ni Willie. Marami ang nag-aabang sa magiging tugon ng management at big bosses ng Dos sa ginawa ng TV host. Paalala pa ng mga nagtatanong, baka hindi raw alam ni Willie Boy na kung walang Tita Cory ay hindi na maibabalik sa Lopezes ang ABS-CBN kung saan siya namamayagpag ngayon. * * * FIRST time nakipag-bed scene at nag-two piece si Bea Alonzo sa pelikula kaya marami ang nagulat bakit nagawang pumayag ng sikat na young actress na ilantad ang kaseksihan. Maging si Sam Milby, isa sa leading man ni Bea sa And I Love You So, ay nabighani. Take note, inamin ng ex-boyfriend ni Anne na nadarang siya sa lovescene nila ni Bea sa naturang movie, na showing sa August 12. Inamin din ni Sam na hindi mahirap mahalin ang isang Bea Alonzo at ipinadama daw ng actor ang kakaibang feeling nararamdaman niya sa actress habang ginagawa nila ang AILYS. Kaya huwag magtaka kung one of these days ay makitang madalas na magkasama sina Bea at Sam. Sorry na lang kay Anne na tila umaasa pa rin na magkakabalikan sila ni Sam. Ayon kasi sa guwapong actor, totally nakapag-move on na siya at nagamot na ang nasugatan niyang puso. Going back kay Bea, ginawa lang daw niya ang hini-hingi ng istorya kaya med-yo daring ang role na ginampanan. "Nasa istorya po ang mga ginawa ko, Nagpakatotoo lang po ako sa role na ginagampanan na nag-asawa nang bata pa at maagang naging biyuda hanggang nakilala ko si Sam na muling nagpatibok ng a-king puso," kuwento ni Bea tungkol sa istorya ng movie. Sa dalawang leading man niya na sina Derek Ramsay at Sam Milby, kanino siya nadarang habang nakikipag-romansahan sa kama? Hindi nakasagot si Bea dahil nakakahiya daw sagutin kaya sinalo siya ni Direk Lauren Dyogi para sagutin ang tanong. "Actually, mas makakatotohanan ang lovescene nina Bea at Derek kasi mag-asawa ang role nila sa movie. 'Yung kay Sam, kitang-kita at damang-dama ko rin na tinablan sila pareho. Naging professional lang naman silang tatlo," paliwanag ni direk. * * * IKINAGULAT ni Rayver Cruz ang pagkaka-link nila ni Melissa Ricks dahil magkaibigan lang daw sila ng young star. "Nagulat nga ako, sabi madalas daw akong mag-dinner sa bahay ni Melissa. Unang-una, hindi ko alam kung paano pumunta sa kanilang bahay. Nang mag-usap nga kami ni Melissa ay tawa lang kami nang tawa dahil hindi naman talaga totoo,"depensa ni Rayver. Hindi rin naitago ni Rayver kung sino talaga ang itinitibok ng kanyang puso. Dahil nang papiliin kina Melissa at Sarah, si Sarah ang pinili niya dahil wagas daw na pagmamahal ang nadarama niya sa sikat na singer/actress. No comment naman siya sa sinabi ng kampo ni Sarah na gusto lang niyang gamitin ito para sumikat at makilala. "Hindi ko sila masisisi kung 'yun ang opinion nila. Pero nasaktan ako kahit paano dahil wala naman akong intensiyong masama para kay Sarah eversince. Wala akong intention na gamitin o anuman," say ni Rayver. Anyway, masaya na rin si Rayver dahil hanggang ngayon daw ay napapanood pa rin ang May Bukas Pa dahil na extended ito. * * * NALUNGKOT si Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista na hindi nakasama si Comedy King sa mga napiling National Artist ngayong taon. "Karapat-dapat na maging National Artist si Tito Dolphy at nakalulungkot na sa kabila ng kanyang napakaraming achievement bilang alagad ng sining ay bigo pa rin siya na mapasama sa prestihiyosong parangal," bungad ni Vice Herbert sa amin. Dagdag pa ni Vice, hindi raw matatawaran ang malaking contribution ni Mang Dolphy sa entablado at pelikula kaya kara-pat-dapat itong hirangin bilang National Artist ng bansa. "Kailan natin ibibigay kay Tito Dolphy ang parangal na talagang dapat naman ay para sa kanya, kung patay na na siya? 'Di ba mas masarap tanggapin ang isang parangal kapag ikaw ay nabubuhay pa? Aanhin mo ba ito kung ikaw ay isa nang malamig na bangkay," panunuyang pang sabi ni Vice Herbert. Pahabol pa ni Bistek, kung kailangan magsulong siya ng signature campaign at rekomendasyon mai-parating lang sa Cultural Center of the Philippines na hindi lamang ang hanay ng mga artista ang nagna-nais na maging National Artist si Dolphy kundi pati na ang mamamayang Pilipino, ay gagawin niya ito. Source: People's Tonight |