Apr 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pasalamatan natin si George Canseco...

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

MAITUTURING na musical tribute ngayong 2005 ang nalalapit na concert ni Kuh Ledesma, ang Paano Kita Mapasasalamatan. Eh kasi, magsisilbi itong pagbibigay pugay sa talino at husay ng pamosong kompositor na si George Canseco, na gaganapin sa Nob. 19, sa PICC Plenary Hall.

Bigatin ang mga guest performers dito tulad nina Basil Valdez at Christian Bautista, pati na ang mga special performances nina Martin Nievera, Pilita Corrales, Dulce at Zsa Zsa Padilla, kasama pa ang singer na nakatrabaho rin ni Mr. Caseco na si Noelle Cassandra.

Sabi ni Kuh, espesyal ang palabas na ito dahil utang na loob niya kay Mr. Canseco ang ilan sa mga hit songs niya tulad ng Dito Ba, Bulaklak, Paano Kita Mapasasalamatan at ang Ako Ay Pilipino.

Laking gulat ni Kuh nu�ng malaman niya na first death anniversary rin pala ng yumaong composer at songwriter sa araw ng concert niya.

"Kaya nararapat lang talagang mangyari itong tribute na ito para sa kanya," sabi ni Kuh.

Para naman kay Basil, sobra-sobra ang importansya ng concert na ito sa kanya, dahil sa mahigit kumulang na 16 na kanta na ni-record niya na lahat ay ginawa George.

"Isang malaking pasasalamat talaga ang magaganap sa show na ito para sa mga naitulong ni Mr. Canseco sa aming lahat," say pa ni Basil.

Para sa mga nakakalimot, ang ilan sa mga maituturing na classic na awitin ni George Canseco ay ang Hiram, Ako Ang Nagwagi, Ngayon at Kailanman, Kapantay Ay Langit, Ikaw, Kastilyong Buhangin, Kung Ako�y Iiwan Mo, Salamin ng Buhay, Siya Na Ba, Paano Ba Ang Mangarap, Gaano Kadalas Ang Minsan, at marami pang iba.

Siyanga pala, ang Paano Kita Mapasasalamatan ay isa ring benefit concert para sa Red Cross at para sa isang church-building project sa Cavite. At kasama sa suporta ng mga singes sa naturang palabas, magbibigay rin sila ng donations sa Red Cross mula sa makukuha nilang honorarium o talent fee.

Ito ay hatid ng Smart Gold at Mossimo. Para sa mga nais bumili ng ticket, tumawag sa Headline Concepts (551-7251), Music Museum (721-0635 or 721-6726) at Ticketworld (891-5610 or 891-9999).

***

Sino si Max? Well, ang Max�s Restaurant ang isa sa pinakamatagumpay na Pinoy restaurant ngayon sa Pilipinas. At kahit sa ibang bansa, kilala ang Max�s dahil sa masarap na fried chicken.

Si Max ay mula sa isang simpleng pamilyang Pinoy. Nakapag-aral man siya sa Stanford University sa America, Pinoy na Pinoy ang values niya. Likas sa kanyang pamilya ang husay magluto lalo na ang anak na si Ruby.

Panahon ng Hapon, nalagay sa malaking panganib ang pamilya ni Max. Naging malaking pagsubok sa kanila ang mamuhay sa anumang paraan. Doon nasubok ang talento ng pamilya ni Max sa pagluluto. At kung paano maging espesyal ang friend chicken.

Pero ano nga ba ang sikreto ng tagumpay ni Max?

Well, panoorin niyo na lang ang Maalaala Mo Kaya, na pinagbibidahan nina Albert Martinez at Jaclyn Jose, kasama sina Dimples Romana, Dominic Ochoa, Kathryn Bernardo, Bing Davao at Gigette Reyes.

Ito ay mula sa panulat ni Shugo Praico at sa direksyon ni Nuel Naval.

Source: Abante