|
|
| Pasaway na batang aktor, gusto nang magpakabaitAuthor: Vinia Vivar Grabeng pagmamamahal pala ang dumapo sa young actress para sa aktor na nakarelasyon. Sa ngayon ay wala na sila (for the nth time), pero nahihirapan daw maka-move-on ang batang aktres at mahal na mahal pa rin ang ex-boyfriend. Ang latest tsika na natanggap namin, dumating daw sa puntong nagmakaawa ang young actress sa mga magulang ng aktor para tulungan siyang makipagbalikan ang anak ng mga ito sa kanya. Pero mukhang malabo siyang matulungan ng parents ng aktor dahil hindi naman daw nila saklaw ang puso ng anak. Another thing, balita ring may bago nang girlfriend ang aktor kaya mukhang mahihirapan na siyang i-win-back ito. Ang daming puwedeng ipayo sa young actress at isa na rito ay kalimutan na ang aktor at humanap na lang ng iba. Pero for sure ay hindi pa ito kayang gawin ng batang aktres simply because mahal niya ang aktor. Gusto na lang namin siyang intindihin at wish namin ay maka-move-on na siya talaga. * * * May tsikang nakarating sa amin na nami-miss na raw ni Jiro Manio ang pag-arte. Matatandaang kamakailan ay tsinugi ang young actor sa Tayong Dalawa kasabay ng pagre-release ng statement ng Star Magic na binibitawan na nila ang talent dahil sa pagkairesponsable nito sa trabaho. From then on, wala na tayong narinig pa mula kay Jiro kaya akala namin ay gusto na rin niya talagang magbabu sa showbiz. Pero ayon nga sa isang malapit sa kanya, nami-miss na raw ngayon ng batang aktor ang showbiz. Well, kung talagang gusto niyang bumalik, siguro ay dapat niyang kausapin si Mr. Johnny Manahan ng Star Magic at humingi siya ng tawad. Naniniwala naman kaming kung sincere ang paghingi niya ng apology ay baka naman bigyan pa siya ng another chance. After all, ang mga katulad niyang mahusay na aktor ay may puwang sa showbiz as long as mahal niya ang kanyang trabaho. * * * Patuloy pa rin ang magagandang feedback kay Maricar Reyes sa pinagbibidahang Your Song Presents Gaano Kita Kamahal with Sid Lucero and Jodi Sta. Maria. Sinuportahan talaga ng tao ang first lead role niya which means marami talaga ang nakikisimpatiya sa nangyari sa kanya. Patunay na ang mataas na ratings na nakukuha ng show every Sunday base sa TNS survey. Sa pag-usad ng Your Song Presents Gaano Kita Kamahal this Sunday, mga 'di inaasahang pangyayari ang magaganap sa buhay nina Obet (Sid), Amy (Maricar) at Carmela (Jodi). Magpapaalam na si Obet Kay Amy, ngunit sa kanilang paghihiwalay, mabubuking na ang kanilang relasyon ni Carmela. Samantala, malalaman naman ni Amy na buntis pala siya kaya ito ang malaki niyang problemang haharapin. * * * Naaliw kami sa sagot ni Jayson Gainza nang tanungin ng isang reporter kung ano ang masasabi niya sa request ni Boy Abunda na liitan ang ulo niya sa NNNN segment sa Banana Split kung saan ay ginagaya nila ni Angelica Panganiban ang hosts ng SNN: Showbiz News Ngayon. Ani Jayzon ay hindi raw puwedeng liitan dahil malaki raw talaga ang ulo niya. "Nasa skull," natatawa pang sabi ni Jayson. In fairness sa dating PBB housemate, isa ang segment nila ni Angelica sa bumubuhay sa Banana Split dahil talagang inaabangan ito ng manonood. Nakakatawa silang dalawa bilang Boy A. at Kris Aquino sa totoo lang. 'Yun nga lang, marami ang nagtatanong kung totoo raw kaya sa loob ni Kuya Boy na masama ang loob niya sa panggagaya sa kanya ni Jayson. Knowing kung gaano kalawak si Kuya Boy, for sure ay hindi siya nao-offend at biro lang sa kanya ang galit niya kay Jayson. Source: People's Tonight |