|
|
| 'Pasaway' na si Kristine ipinagtanggol ng DosAuthor: Gerry Ocampo Naalarma na ang management ng Star TV sa kaliwa't kanan tira kay Kristine Hermosa,tulad daw ng pagiging pasaway ng aktres at sakit ng ulo sa taping ng teleserye. Kaya, to the rescue ang Star TV, para linawin at pagtanggol na rin ang aktres na walang katotoha-nan ang ibinabatong intriga sa dalaga. Never daw naging pa-saway at naging sakit ng ulo si Kristine sa taping ng kanilang teleserye. Doon naman sa nag-walk-out daw si Chin Chin Gutierrez dahil sa hindi daw maka-deliver ng linya si Kristine at wala rin katotohanan. Nasulat din na tatanggalin na raw si Kristine dahil sa problemang ibinibigay nito sa management ng Dos. Iginiit naman ng taga-Star TV na wala itong katotohanan Kasisimula pa lang daw nila ng serye at walang dahilan para magpalit sila ng bida at sa history daw ng ABS-CBN, never pa raw sila nagpalit ng bida maliban kay Angelika dela Cruz noon sa Prinsesa ng Ban-yera dahil lumipat ito sa GMA-7. Nilinaw din ng ng Star TV sa isyung pinaghintay ni Kristine ang cast sa ta-ping dahil nakipaglaro raw ang aktres kay Oyo Boy Sotto ng badminton. Paano daw mangyayari na naglaro ng badminton si Kristine, eh, hindi raw ito mahilig sa sports. Iniisip tuloy ng management ng Star TV ay may smear campaign kay Kristine para ibagsak ito. Subalit hindi daw ito mangyayari lalo pa at hindi naman totoo ang mga naglabasang negative write-ups laban kay Kristine. * * * May sakit si Lucy Torres kaya ang husband niyang si Richard Gomez ang pansamantalang pumalit bilang host ng The Sweet Life na napapanood sa QTV11, Lunes hanggang Biyernes, sa alas-5 ng hapon. Three days nag-host si Goma sa show kasama si Wilma Doesnt, na masa-yang-masaya dahil ma-kakasama niya ang guwapong aktor sa show. Sa show ay kumanta, nagpatawa si Goma at ipinakita ang sariling estilo sa pagho-host kung saan na-ging guest nila sina Wency Cornejo, Paolo Santos and Gerald Santos. Nag-perform ang Acoustic Prince na si Paolo samantalang kinanta ni Wency ang kanyang original song while Gerald sang his award-winning rendition of Wency's classic song, Hanggang Kailan. Sa Wednesday episode ng The Sweet Life, guests nina Goma at Wilma sina 2009 Bb. Pilipinas Universe Bianca Manalo, Ms. Saigon veteran Isay Alvarez at Gabriela representative Liza Maza, para pag-usapan ang tungkol sa domestic violence. * * * NAKATSIKAHAN namin sa birthday party ni Sen. Bong Revilla ang anak nitong si Jolo Revilla at nanibago kami dahil sa tuwing may okasyon ang Revilla family ay present ang love ng binata ni Bong na si Lovi Poe. Ayon kay Jolo, may sakit daw si Lovi kaya wala sa birthday party ng ama. Pero masaya pa rin si Jolo dahil nandoon at ipinahiram ni Grace ang anak nilang si Gab sa party, na kasamang sumayaw ng mga kapatid at Lani Mercado bilang regalo sa birthday celebrant. Super-happy si Bong dahil kahit anong intrigang dumating sa kanila ay na-nanatiling matatag at matibay ang kanilang pamilya. * * * Dismayado pa rin hanggang ngayon si Senator Bong Revilla na isang taon lang ang suspensoyong ipinataw ng PMA kay Hayden Kho. Kaya nanawagan si Bong sa mga naging biktima pa ni Hayden na lumantad na rin para matigil na ang ginagawang pambababoy ng isang tulad ni Hayden. Ang paglabas daw ng mga naging biktima ng controversial doctor ay hindi para ipaglaban ang sinapit na kababuyan ginawa sa kanila kundi para sa kapakanan na rin ng iba pang kababaihan na naging biktima ng katulad na pambababoy sa mag kababaihan. Anyway, napapanood pa rin si Bong sa Kap`s Amazing Stories every Sunday pagkatapos ng Imbestigador sa GMA-7. * * * How true na inaaway daw ni Gene Padilla si Mark Herras dahil hindi raw ito tumupad nang magkasundo na babalatuhan ni Mark ang grupo ni Gene sa panalong P3. 2 million jackpot sa Hole In The Wall. Si Mark ang nag-suggest kung magkano ang ibabalato sa grupo ni Gene pagkatapos nilang manalo, pero sa grupo din ni Mark ay may nag-suggest na ibahin ang hatian at gawin itong mas mababa. Ang ending si Mark na ang nagkawanggawa, siya pa ngayon ang tinitext ni Gene na walang palabra de onor at hindi tumutupad sa pinagkasunduan. Ang hindi alam ng grupo ni Gene, walang kasalanan si Mark dahil ang mga kasamahan nito ang nag-suggest na bawasan ang balato na ibibigay sa grupo ng mga talunan. Kung si Mark lang daw ang masusunod ay tutuparin nito ang naging usapan nila ni Gene, pero marami nga sila at kailangang na sundin ang mapag-usapan grupo nila. Hindi dapat sumama ang loob ni Gene kay Mark at dapat ay magpasalamat pa nga ito dahil binigyan pa sila ng balato, noh! Source: Taliba |