|
|
| "Past is past," says Aljur Abrenica of spat last year with Richard Gutierrez![]() Author: Rose Garcia Bagamat naka-cast pa ang kaliwang kamay ni Aljur Abrenica, hindi ito naging hadlang para sa kanyang launching bilang isa sa mga pinakabagong endorsers ng Bench. Kasama ang kanyang screen partner na si Kris Bernal, rumampa ito ng shirtless sa Trinoma Activity Center in Quezon City, noong ika-25 ng Setyembre. Ang kanilang tambalan ay mapapabilang sa Overhauled Jeans campaign ng nasabing clothing company, at "dream come true" raw ang pagiging image model niya ng Bench, na ini-endorso rin ng mga sikat na artista gaya nina Richard Gomez, Dingdong Dantes, Diether Ocampo, Richard Gutierrez, Gerald Anderson, to name a few. "Siyempre po, natupad na rin ang isa sa mga pangarap ko noong bata pa ako, ang magkaroon ng billboard dito sa Manila. At siyempre, ang Bench endorser, simula nang mag-showbiz po ako, matagal ko na rin po siyang pinapangarap and at last, nandito na rin po siya and I'm very thankful. Masayang-masaya na rin po ako with the chance na binigyan ako ni Lord ng ganito." Maganda ang timing ng kanilang launch dahil nalalapit na rin ang showing ng movie nila for Regal Films, ang Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo. "Actually, very thankful nga ako dahil ang gaganda ng nangyayari sa amin ni Kris na saktong-sakto ang timing. Yung launching ng movie, 'tapos ito pang Bench. So talagang nakakatulong sa career namin." READY TO BARE IT FOR BENCH? Much-anticipated ang underwear fashion show ng Bench na ginaganap tuwing July. Isa na ba siya sa aabangang rarampa nang sexy dito? "Yung underwear, sa ngayon... hindi ko kasi alam kung yun ang iisipin ko by that time. Sa ngayon kasi, topless talaga ang kaya kong ibigay. Pero hindi ko masabi, di ba?" Sa Nandito Ako... nag-trunks na siya, so what's keeping him from the joing the underwear fashion show of the brand he endorses? "Let's see, let's see... iba kapag live, e. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko," natatawa niyang sabi. "Sa movie, kaya kong gawin kasi iilan lang naman kayong nandoon, so let's see." May pressure na ba siyang nararamdaman? "I know it's a great responsibility na makapunta rito sa Bench. Ang daming privileges pero great responsility rin kasi. Nandiyan yung kailangan mong gampanan, so, ready na rin ako, in time." Sa movies, hanggang saan ba ang kaya niya in terms of pagpapaseksi? "Sa mga movies po, sa ngayon kasi, more on acting ako. So, mas dine-develop ko ang acting skills ko than being sexy, pero, nandoon na rin." "AGAW-EKSENA" WITH KRIS. Last September 23 ay premiere night ng The Echo, na remake mula sa Sigaw na ipinalabas noong 2004. Kasama sa Hollywood version si Iza Calzado pero ang binigyang-pansin ng mga writeups ay ang naganap na eksena sa pagitan nila ni Kris. Dapat kasi'y sabay na dadalo ang magkapareha sa premiere, pero na-late si Aljur sa pagsundo kay Kris at nauna na ito sa sinehan. Noong dumating si Aljur ay dali-dali nitong iniabot ang dalang bulaklak para kay Kris. Natuon ang pansin sa kanila ng halos lahat sa sinehan. Nagkataong sa sandaling iyon ay iniinterbyu si Iza, na ang katabi ay si Megastar Sharon Cuneta. Para raw tuloy naagaw ang limelight sa mga dapat pag-ukulan ng atensiyon. Pero ayon kay Aljur, "Wala po sa intention ko na gawin yun. So, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para humingi ng sorry, apologies to Ms. Iza Calzado. Kay Ms. Sharon Cuneta, hinahanap ko nga po ang contact [number], hindi ko na nga lang po nakuha. Kay Ms. Iza lang po ang nakuha ko. "Gusto ko po talagang mag-sorry kay Ma'am Shawie kasi hindi nga po talaga tama. So, very sorry pong talaga. Nahiya po talaga 'ko." At least ba'y pinatawad siya ni Kris? "Okey na po kami ni Kris. Salamat sa Diyos at sa chance na ibinigay sa akin." Source: Philippine Entertainment Portal |