Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Patani, iiyakan ang paglipat sa ABS-CBN ni JC de Vera

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

ZERO at wala pang balak magkaroon ng paniba-gong lovelife ang GMAAC star at isa sa cast ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tad-yang na si Paolo Paraiso at gumaganap bilang best friend ng lead actor na si Dingdong Dantes.

Ayon ka`y Paolo, respeto na lang daw sa kanyang ex-wife na si My-lene na ngayo`y dinadala sa sinapupunan ang kanilang 2nd baby.

"Pangit namang tingnan 'di ba na buntis si Mylene ng aming second baby, pero may iba na akong karelasyon. Ano na lang ang sasabihin ng ibang mga tao," wika ni Paolo nang ma-kausap namin.

"And mas okey na itong ganito, single ako. Mas nakakapag-focus ako sa trabaho.

"Habang tumatanda kasi dumarating tayo sa punto na nagiging iba na 'yong priorities natin sa buhay. Like ako, dati noong nagsisimula pa lang ako, ang gusto ko lang ay magmodelo ayokong mag-artista noon," aniya pa.

"Kaya naman nang inalok ako noong una ni Mr. M ( Johnny Mana-han ) na mag-artista ti-nanggihan ko, kasi pagmomodelo lang ang gusto ko, hanggang sa na-pa-'oo' na rin nila ako.

"Pero iba na nga-yon, mas gusto kong mag-focus na sa pag-aartista, magkaroon ng isang magandang pro-yekto na magpapakita ng galing ko sa pag-aarte, like role ng isang pyscho killer na bida-kontrabida.

"Dream ko kasi na manalo rin ng award. Iba kasi 'pag may tropeyo ka, isang pagkilala bilang mahusay na artista at 'yon naman ang dream ng bawat actors, ang magkaroon ng acting award," saad pa ni Paolo.

Hindi man daw sila nagsasama at regular na nagkikita ni Mylene, palagi naman silang nagti-text at pinag-uusapan ang tungkol sa kanilang anak na si Thomas.

"Mas okey kami nga-yon as friends at parents ni Thomas at sa second baby namin na gusto kong pangalanan ng Lucas or Sophia 'pag babae. "

* * *

NAKAAALIW ang na-ging takbo ng usapan namin ng Ex-Survivor at semi-regular cast ng PM-PC`s 2008 Star Awards For TV Best Comedy Show Full Haus na si Patani.

Showbiz crush ni Patani ang actor na si JC de Vera, kaya naman hindi ni-to maiwasang malungkot nang kumalat ang isyung lilipat na ng ABS-CBN ang young actor.

"Nalulungkot talaga ako at iiyak kapag lumipat na sa ABS-CBN si JC. Pero, okey lang hindi naman magbabago talaga 'yong crush ko sa kanya kahit lumipat na siya.

Tsika pa ni Patani na si JC de Vera raw sana ang gusto niyang makapareha kapag nabigyan siya ng solo teleserye or TV soap ng Kapuso network.

"Gustung-gusto ko talaga siyang makapareha," wika pa ni Pata-ni sabay bungisngis. Sa ngayon daw ay wala pang balak na ma-kipag-boyfriend si Patani, dahil may misyon daw siya sa kanyang pa-milya, lalung-lalo na sa kanyang mahal na ina. "Ayokong mag-boyfriend muna, marami pa kasi akong dream na gustong gawin sa pa-milya ko at sa Nanay ko, gusto ko silang bigyan ng magandang buhay at magandang bahay.

"Kasi 'yong bahay namin, 'pag umuulan may tumutulo mula sa bubong," pagwawakas ni Patani sa maikling pa-nayam namin.

* * *

DAHIL sa matagumpay na pagpapalabas ng isa sa biggest blockbuster Valentine movie ng GMA Films at Regal Entertainment, na tumalo sa nakapanabayan nitong fo-reign films sa lakas sa takilya, nagkaroon ng thanksgiving party ang buong cast ng When I Met U na ginanap sa Ga-zebo Royalle Visayas Ave. Quezon City.

Isa raw itong pasasa-lamat ng GMA Films at Regal Entertainment sa mga taong sumuporta sa pelikulang ito nina KC Concepcion at Richard Gutierrez na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng sambayang Pilipino sa buong bansa.

* * *

ISANG musical show ang handog ng Philippine Movie Press Club (PM-PC), titled Sabado Summer Saya sa March 14. Gaganapin ito sa Zirkoh Greenhills, San Juan Met-ro Manila sa gana na ika-10 ng gabi.

Topbilled by singer/actor Ronnie Liang, Richard Poon, Lovi Poe, Ate Gay, Rubi-Rubi, Lance Raymundo, and the Sexbomb Girls, Yellow Milano at Dance Squad Dancer.

* * *

SA mga kababaihan at kalalakihan na gustong ma-enhance ang histura, ang SK International Bea-uty Center , Inc. ( Cosme-tic Surgery and Skin Care Clinic ) ang kasagutan.

Ilan sa kanilang servi-ces ang Anti -Aging Me-dicine, Medical SPA, Alternative Traditional Me-dicine, Cosmetic Surgery, Skin Care (Face and Bo-dy) at meron din silang SK Products na subok ng de-kaledad sa loob ng ilang taon.

Bukod sa mahusay na serbisyon mula sa mga SK Staff na sina Jenny De Jesus, Judith Contapay, Junabel Itim, Joan medina at Jossie marie Linantod.

Bumisita na sa SK International Beauty Center ,inc. ( Cosmetic Surge-ry and Skin Care Clinic ) sa no. 1 Dona Julia Vargas Ave. Unit 102 Ortigas Ba-zaar Bldg. Pasig City at hanapin ang mabait at magandang si Dra. Wilma Tuanqui-Monleon (CEO-Cosmetic Surgeon ).

Source: Taliba