Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Patrick Garcia, Polo Ravales magkaribal kay Glaiza de Castro

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

TANGGAP si Glaiza de Castro ng pamilya ni Patrick Garcia.

Nakita ng spy namin sa PICC last Sunday na kasa-ma ni Glaiza ang pamilya ni Patrick nang dumalo ang da-lawa sa isang affair doon.

Kitang-kita ng spy na-min na happy ang mother ni Patrick na kasama si Glaiza. Panay pa raw ang kuwentuhan ng dalawa. Kasama naman ng kapatid ni Patrick na si Cheska ang asawa nitong basketbolisatang si Doug Kramer. Hindi isinama ni Glaiza ang kapatid na si Alcris o ang mother niyang si Cristy.

Super-confident na raw si Glaiza kay Patrick. Although hanggang ngayon ay walang inaamin na relasyon si Glaiza kay Patrick. Sabi ng spy namin, sa tingin ni-ya'y may mutual understanding (MU) na ang dala-wang celebrities. Sa interview naman kay Glaiza, nasabi niyang getting-to-know each other pa lang sila ni Patrick.

Ang isa pang napapabalitang nanliligaw ngayon kay Glaiza ay si Polo Ravales. Nakita ng aming spy na mag-ka-date ang dalawa sa isang importanteng showbiz event.

Si Glaiza ay regular nga-yong napapanood sa Stairway to Heaven bilang Eunice, ang pangunahing kontrabida sa buhay nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa istorya. Tuwing Sunday naman ay nasa SOP si-ya bilang isa sa lovely ladies ng show. Dahil sa magandang pag-aalagang ibinibigay sa kanya ng Kapuso, ba-litang pumirma sa bagong kontrata sa GMA management ang dalaga, at tumaas daw ang talent fee niya.

* * *

KAMAKAILAN ay ibi-nunyag ni Cristine Reyes ang ayaw na ayaw niya sa kapatid na si Ara Mina, ang pagiging tsismosa ng naka-tatandang sister. Gumanti si Ara sa pamamagitan ng pag-bubuko na sumpungin si Cristine.

'Pag wala raw sa mood ang younger sister ay walang kibo ito. 'Di umiimik sa baha. Pero, kapag nasa mood naman daw si Cristine ay makuwento ito at napaka-saya. Kapag wala raw sumpong siCristine ay malam-bing ito. Bigla na lang daw magreregalo o magbibigay ng kung anu-ano sa kanilang pamilya. Kaya kahit daw may pagkapasaway si Cristine ay napagpapasensiya-han ito ni Ara.

Sa nga-yon, bilib si Ara sa career ng kapatid na biglang bongga. Hindi raw lahat ng ar-tista ay nagkakaroon ng pe-likula at soap.

Abut-abot na bi-yaya nga raw ang tinatanggap ni Cristine ngayon. Tulad ng magandang peli-kulang Patient X kung saan katambal pa ang number actor ng GMA7 na si Richard Gutierrez. * * *

MAY tatlong episodes ng 14th anniversary presentation ng Bubble Gang ang gi-nawa nilang TV for movie. Ang unang episode ay horror na may pamagat na Tya Ring na tampok si Michael V, Francine Prieto, Julia Cla-rete at Iza Calzado.

Pangalawang episode ay sexy story na maypamagat na Dingdong Lang ang Pagitan na tampok si Ogie Alca-sid, Dennis Trillo, Antonio Aquiatania at Maureen Larrazabal.

Ang ikatlo ay spoof ng Koreanovela na may titulong Tim Song Ko na tampok sina Ogie Alcasid, Mi-chael V, Regine Velas-quez, Rufa Mae Quinto, Wendell Ramos, Francine Prieto at Japanese actor Jacky Woo.

Mapapanood ito sa Oct. 30 pag-katapos ng Survivor Phi-lippines: Palau

* * *

ANG no. one telenovela ng Korea sa 2009, ang Shining Inheritance na napapanuod sa GMA telebabad, ay number one na din sa puso ng mga Pilipino dahil sa ipinakita nitong 'shining' performance sa ratings.

Ang overnight ratings ng AGB Nielsen Philippines sa mga household ng Mega Manila ngayong buwan ng Oktubre ay patunay na nabihag ang publiko sa ibang timplang fairy tale ng modern day Cinderella na si Inna at ang kakaibang Prince Char-ming na si Juan.

Nitong Oct. 13, nakaku-ha ito ng tumataginting na 22. 3 percent samantalang ang katapat na programa ay lamang ng 13. 9 percent. Malinaw na pinagpupuyatan ng mga manonood ang GMA Asia-novela na ito dahil simula pa noon Oct. 5 hanggang Oct. 19 ay nagtala na ito ng average rating na 18. 9 percent na nag-iwan sa kalaban ng average rating na 12. 2 percent.

Sa kabuuan ay 6. 7 percent ang lamang ng GMA7 sa programa ng katapat na istasyon.

Source: Taliba