|
|
| Patrick maraming dapat ipaliwanagAuthor: Eric John Salut VERY proud ang Star Magic sa pagkapanalo ni Jason Abalos ng Best Actor award sa nakaraang Gawad Urian para sa pelikulang Endo. Nag-tie sila ni Sid Lucero para sa nasabing award. Nahanay si Jason sa liga ng mahuhusay na aktor at aktres âtulad nina Jaclyn Jose, Emilio Garcia at iba pa. Whatâs so exciting to know ay si Jason ang kauna-unahang Star Circle Quest alumni who ever won acting award. Jason was in the batch of Sandara Park, Hero Angeles, Melissa Ricks, Joseph Bitangcol sa said star search ng ABS-CBN. Malaki ang paniniwala ng Star Magic management sa mga indie movie. Kaya nga nang dumating ang offer kay Jason na gawin ang project at ipaalam ito kay Johnny Manahan, agad itong umokey. Naniniwala ang Star Magic na magandang exposure sa kanilang mga artista ang paggawa ng low-budgeted but high quality movies.
Now, itâs Jasonâs time to shine. At siya ang leading man ni Cristine Reyes sa Eva Fonda sa ABS-CBN. Ang balita namin, kailangang matapos ito bago simulang iere. Aalis papuntang Japan ang cast and crew ng Eva Fonda para kunan ang ilang mahahalagang eksena. *** STANDING ovation na naman ang tinamo ni Pokwang at ang tropa ng Wowowee sa naganap na show kamakailan sa Winnepeg, Canada. Umabot ng 12,000 ang nanonood sa MTS Center. Isa ito sa pinakamalaking concert venue sa buong Canada at nagawa nilang mapuno ang venue. Ibinalita ni Powkee na hit ang mga production numbers niya. âHindi nila kinaya ang mga dala kong costume,â balita nito. Equally-applauded din daw ang numbers nina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Willie Revillame. âFrom start to end, standing ovation sila sa lahat ng performers. Napakainit talaga ng pagtanggap nila sa amin. Na siyang sing lamig naman ng weather na nakakaloka. â A day before umalis si Powkee papuntang Canada, nag-perform siya along with Piolo Pascual, Sam Milby, Erik Santos, Mark Bautista at Rufa Mae Quinto sa show na prodyus ni Daisy Romualdez sa Manila Hotel. Next stop ni Powkee at ng Wowowee group ay ang San Diego, California na matagal na din silang hinihintay. *** ANG balita ko, last weekend ay naka-schedule dumating ng bansa si Patrick Garcia. Ito ang pangako ni Patrick sa kanyang kapatid na si Cheska Garcia who is getting married to Doug Kramer on Thursday, October 9 sa Blue Leaf, The Fort. Umalis ng bansa si Patrick couple of months ago para mag-aral sa America. Sunud-sunod ang mga intriga kay Patrick ng nagdaang buwan. Kaya minabuti nito to give himself a break. Kaabang-abang ang magiging unang appearance ni Patrick sa telebisyon. At kung saang programa ito a-appear. Marami din siyang isyung kailangang sagutin. Particularly âyung kay Jennylyn Mercado at sa panganganak nito. Pati na din ang isyung tini-threat niya si VJ Drei Felix dahil sa too much closeness nito with Jennylyn. Kung nakabalik na si Patrick ng bansa over the weekend, posibleng sa Entertainment Live! ito unang mapapanood. Ang nasabing show ang may rights sa exclusive coverage ng Doug-Cheska wedding na mapapanood sa Sabado, October 11. Source: Taliba |