Sep 08
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpYahoo! Groups

Patuloy ang iringan at bangayan

Sa nakaraang World Championships of the Performing Arts (August 6-14) sa Hollywood, nakakuha si Jed Madela ng 10 awards. Kasama rito ang over-all male vocals champion at over-all vocal champion at grand champion of the world.Ang ibig sabihin, hindi lan...

 

Patuloy ang iringan at bangayan

Rivermaya

Column: Insider
Author: Billy Balbastro

Sa nakaraang World Championships of the Performing Arts (August 6-14) sa Hollywood, nakakuha si Jed Madela ng 10 awards. Kasama rito ang over-all male vocals champion at over-all vocal champion at grand champion of the world.

Ang ibig sabihin, hindi lang siya ang vocal champion ng buong mundo sa Talent Olympics na ito, kundi siya ang Grand Champion Performer at natalo niya ang mga champion sa dance, instruments, modeling, acting at variety.

Hindi bago ang pagkapanalo sa mga world competition kay Jed na tubong-Iloilo (kung saan siya nagsimulang kumanta sa mga banda).

Naging winner siya ng Voice of Asia 2003 sa Kasakhistan. Naging Best Voice of Asia Male Singer 2003 ng Mainhill Awards, Breakthrough Male Performer of the Year 2003 sa Celebrity Chronicle sa US at Grand Champion bilang Peoples Choice sa Internet Poll survey.

Sa lahat ng international honors na ito, pinarangalan siya ng Malacaang ng mga plaque of distinction.

Pero sa kanyang pagkapanalo ng 10 awards at sa panalo ni Rizza Nevales ng pitong awards sa WCOPA, ang Pilipinas ang naging grand champion ng Talent Olympics.

Kaya may naiuwi rin silang plaque mula sa WCOPA para sa Pangulo ng bansa.

May parangal kina Jed at Rizza sa Malacaang sa Setyembre 21 at gagawin ito na isang audience with entertainment leaders ni Presidente Arroyo.

Sa panig ni Jed, siya ang latest addition sa ASAP family ng ABS-CBN. Nakapirma na si Jed (John Edward Tajanlangit sa tunay na pangalan) sa Dos for this.

Sa Linggo, iwi-welcome na siya ng kanyang Kapamilya sa ASAP 05. Natutuwa siya dahil almost four years na siya sa Manila pero ngayon lang siya magkakaroon ng regular TV show. To think na maraming honors na ang natanggap niya at gumawa siya ng kanyang third album sa Universal Records.

Kasalukuyan, talent si Jed ng GM Proponents at ni Ms. Annie Mercado.

Nagmula siya sa mga Tajanlangit music-oriented clan ng Tigbauan, Iloilo. Ang dad niya na si Roy ay nakilala namin bilang choirmaster sa University of San Agustin sa Iloilo City.

***

AngWinston in Concert series ay nagsisimulang mag-focus sa ating mga banda.

Sa ganitong paraan, pinauunlad nila ang ating original Pinoy music at mga homegrown talents.

Mamayang gabi sa Ratsky-Malate angRoad Rocks: Winston on Tour 2006 ng Rivermaya.

Isang special show ito kung saan may mga premyong ipamimigay sa mga manonood sa fun games.

Iyon lang, hindi nagpapapasok sa mga bata, those below 18.

Tuluy-tuloy na angWinston in Concert tour na ito. Bukas naman ang Freestyle sa Villa Caceres sa Naga City sa Sabado, Sept. 10.

Magkakaroon ng palabas sa concert series na ito ang Retrospect sa Bedrock-Tomas Morato next Friday, Sept. 23.

***

Unti-unting lumilitaw ang magkakaibang ugali at personalidad ng 12 housemates sa Pinoy Big Brother ng Dos. Patuloy ang iringan at bangayan. Mareklamo ang iba sa kanila.

Kahit ang mga lalaki, pinapansin nila ang petty things, ang maliliit na bagay. Dahil siguro sa stress.

Twenty days na silang magkakasama at hindi nakalalabas sa Bahay ni Kuya.

Bukas na ang first eviction. Patuloy ang pagboto ng texters kung sino kina Racquel, Franzen at Rico ang palalayasin. Tila may strong campaign para kay Franzen kaya hindi kami magtataka kung si Rico ang mawala dahil siya ang candidate for eviction ni Kuya.

Ano itong naririnig namin na tila type na ni Uma Khouny mag-quit dahil sa maraming bagay? Hindi raw siya masaya sa Bahay ni Kuya. Homesick daw siya.

Sana, salita lang ito. Kung may magku-quit sa kanila, may apat palang stand-by na papalit sakaling mag-quit sila ngayon, sa simula ng 100 days.

***

Dahil sa panalo sa Montreal, maraming nag-aalok na gawing 35mm ang digital film naAng Pagdadalaga ni Maximo Oliveros para maipalabas sa ordinaryong sinehan. Pati raw ang Regal ay nag-aalok ng tulong.

Ayon sa foreign coordinator nila na si Ferdie Lapuz, may mga alok for distribution sa France, Switzerland, Canada at Belgium.

Source: Abante Tonite