|
|
| Patutsada ng pari, sinagot ng ama ni Jolina![]() Author: Abu Tilamzik Tipid na tipid ang mga sagot ni Cristine Reyes sa mga tanong ni Ricky Lo nang in-interview ito para sa Showbiz Stripped. Ngunit wala pa rin siyang magawa at lumabas pa rin ang totoong naramdaman nito sa mga lumabas na isyu tungkol sa kanya. Natatawa si Cristine pero obvious na nasaktan siya sa isyu tungkol sa kanila ni Janno Gibbs. Mabutit hindi raw ito itinatanong sa kanya ng kanyang Mommy dahil alam nila sa pamilya na hindi ito isyu. Nung nakaraang Linggo ay lumabas daw silang pamilya at nag-bonding dahil matagal na raw silang di nagkikita ng kanyang Mommy at mga kapatid. Tungkol kay Keempee de Leon, inamin ni Cristine na malapit na sana siyang ma-in love sa binata, kaya lang ay naudlot dahil sa pagtutol ni Ara Mina. Hindi naitago ni Cristine na inis siya sa kanyang Ate Ara dahil sa pagtutol nito sa naunsyaming relasyon nila ni Keempee. Panay pa raw ang pa-interview ni Ara tungkol sa isyu sa kanila ni Keempee kaya lalo raw lumaki ang usapin at ang ending, siya lang daw ang napapasama. Mukha ngang pasaway si Cristine at lumalabas na sakit ito ng ulo ito ni Ara, pero nagpapasalamat pa rin si Cristine sa pag-aalaga sa kanya ng kanyang ate. May sagot din si Ara tungkol sa mga isyung ito at mga pahayag ni Christine. Mapapanood ang kabuuan ng interbyung ito sa Showbiz Stripped at ang ilang isyu ay mapag-uusapan sa Startalk sa Sabado. *** Ayaw sagutin ni Jolina Magdangal ang mga pahayag ni Fr. Robert Reyes na iboykot ito dahil kaanib daw ito ni Pres. GMA. Una, hindi naman daw kapartido at hindi pulitikal ang participation ni Jolina sa programa nito sa Pangulo. Ang ama ni Jolina na si Daddy Jun Magdangal ang sumagot ng isyu dahil nasaktan daw silang lahat sa sinabing iyun ng running priest. Hindi raw sukat akalain ni Daddy Jun na si Fr. Reyes pa ang magsasalita ng ganun gayung dun pa raw sila nagsisimba pag Linggo. Binabati pa raw siya nitong pari dahil sa magandang pagpapalaki kay Jolina. Kaya nagsalita na rin si Daddy Jun tungkol sa mga nagawa ni Jolina na ang pagkakaalam niyay hindi pa nagawa ng ibang pari lalo na si Fr. Robert Reyes. "Siguro, kailangan na ring malaman ng publiko na hindi tumitigil si Jolina sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan," litanya ni Daddy Jun. "Ilang pari na ba ang napa-graduate niya? Ilang buhay na bang nailigtas niya sa bingit ng kamatayan dahil sa tulong niya? "Hindi sa ipinagyayabang iyun ni Jolina, pero mula pa nung teenager siya, tumutulong siya na walang hinihinging tulong sa ibang pulitiko. "Nung tinanggap namin yang programa ng Pangulo na hinu-host ni Jolina, nilinaw namin na walang pulitika yan at hindi kami namumulitika. "Tinanggap namin dahil naisip ko, malaking tulong ito sa aking anak dahil marami rin siyang natututunan kung paano ang trabaho ng mga nasa gabinete, mga senador at mga congressman. "Its a learning experience for her, and at the same time nakatutulong siya lalo na sa mga kabataan. "Kaya unfair yang ipinaparatang sa kanya dahil tingin ko naman, ang nagawang tulong ni Jolina sa mga nangangailangan ay hindi pa yata nagawa ng isang pari," mariing pahayag ng ama ni Jolina. Natutuwa raw siya dahil wala raw naniniwala kay Fr. Robert Reyes. Sabi pa ni Daddy Jun, matalino na ngayon ang mga tao at alam nila kung ano ang ipinaglalaban nila. Alam daw nila na walang kinalaman dito si Jolina. Excited na si Jolina sa nalalapit na showing ng pelikulang Lovestruck at okay lang daw sa kanya kung iki-credit ang boxoffice success nito sa dalawang batch ng Starstruck dahil marami na raw siyang napatunayan. Natutuwa na raw siya na nagawa nila ang pelikula na walang intriga at masaya silang lahat nang sinu-shoot ang pelikulang ito. *** Narito ang overnight ratings nung nakaraang Miyerkules: 101 Proposal7.9% vs. Endless Love 7.2%; Homeboy11.9% vs. Sis 12.4%; Rubi 19% vs. Beautiful Days 18.3%; Game Ka Na Ba19% vs. Eat Bulaga 27.2%; Wowowee17.8% vs. Daisy Siete 24%; Kapamilya Cinema 13.9% vs. Kung Mamahalin Mo Lang Ako 17.6% at Now and Forever 16.1%; Pasion de Amor 10.7% at Meteor Garden 14.5% vs. All For Love 18.8%; TV Patrol World 23% vs. 24 Oras 29%; Mga Anghel na Walang Langit 27.9% vs. Extra Challenge 31.4%; Ikaw Ang Lahat Sa Akin 26.7% vs. Darna 35.3%; Kampanerang Kuba 26.9% vs. Encantadia 38.8%; Pinoy Big Brother 27.8% vs. Sugo 32.4%; Greenrose24% vs. Attic Cat 28.1%; Yes Yes Show11.3% vs. Nuts Entertainment 19.8%; Insider 6.1% vs. Saksi 11.5%. Source: Abante Tonite |