|
|
| Paulaeen, 'kinilabutan' sa matandang pulitiko!Author: Jun Nardo NAKAWALA sa trabaho si Rufa Mae Quinto last Friday, kaya naka-attend siya sa birthday party ng Abante-Tonite columnist na si Allan Diones, na ginanap sa Centerstage, Tomas Morato. Bongga, dahil nagwala talaga si Rufa Mae. Kumanta at nakipag-tsikahan talaga siya nang husto. Halata na nag-enjoy ang hitad sa party. Sa totoo lang, isa si Rufa Mae sa pinakamabait na tao sa showbiz, na kahit busy siya, palagi siyang nagbibigay ng oras sa mga taong alam niyang mabait sa kanya. Isa rin si Rufa Mae sa masarap ka-jamming at kakuwentuhan, dahil wala talaga siyang pakialam at masaya talaga. Dumalo rin si Pauleen Luna, at panay ang tanggi niya sa amin sa panliligaw raw sa kanya ni Gerald Anderson. Pero, naloloka si Pauleen sa isang matandang pulitiko na type na type raw siyang maka-date. Sabi ni Pauleen, kinikilabutan daw siya kapag naiisip niya na type siyang maka-date ng matandang pulitiko. Anyway, dumalo rin sa party ni Allan ang nanay ni Judy Ann Santos na si Mommy Carol, Lotlot de Leon, Beth Tamayo, Ruby Rodriguez, Gina Alajar, direk Poochie Rivera ng Eat Bulaga, Ma'am Malou Choa Fagar, Racquel Villavicencio, GMA execs na sina Marivin Arayata at Redgie Acuna, Ejay Falcon, IC Mendoza, Dolly Ann Carvajal, direk Maryo delos Reyes, Ricky Davao, Mai-Mai Davao, at Mother Lily. Source: Abante |