Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pauleen Luna, hadlang sa kasal sa simabahan nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa?

Pauleen Luna, hadlang sa kasal sa simabahan nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa?

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

GAYA nang sinabi ni Claudine Barretto, hindi sila ni Diether Ocampo ang magpu-provide ng kilig factor sa bago nilang teleserye na Ikaw Ang Lahat Sa Akin ng ABS-CBN. Sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo nga raw ang hahawak sa aspetong ito.

Na dapat lang naman, dahil hindi na nga dalagita at binatilyo sina Diether at Claudine. Bukod pa sa katotohanan na sa susunod na taon ay ikakasal na si Claudine kay Raymart Santiago.

Pero, hindi raw dahilan �yon para hindi sila subaybayan ng mga fans nila.

"Nakita namin `yung growth ng mga fans, eh. Alam nila na may individual career kami ni Claudine. Pag nagsama kami ni Claudine, parang alam agad nila na maganda `yung combination namin," say ni Diether.

Si Diether ang tinuturing ni Claudine na pinakamalapit na lalake sa buhay niya.

"Ang dami na naming pinagdaanan ni Claudine. Alam na niya ang lahat ng kalokohan ko, alam ko rin lahat ng kalokohan niya. Halos sabay kaming lumaki rito sa showbiz.

"Kahit hindi kami lagi nag-uusap, close talaga kami, hindi talaga nawawala `yon. Like, may mabalitaan lang ako sa kanya, tatawagan ko lang siya, tatanungin ko kung okey siya, ganu`n lang. `Yun ang maganda sa amin ni Claudine.

"Napalapit ako sa pamilya ni Claudine. Mga 7 years na yata kaming magkakilala at magkaibigan.

"Nu�ng nagi-start pa lang ako, very visible pa si Mommy Inday (mommy ni Claudine), lagi siyang kasama. Sometimes, dumadalaw ako sa bahay nila. �Yung mga pamangkin ni Claudine na malalaki na ngayon, ang liliit pa lang nila noon."

Hindi raw pumasok sa isip ni Diether na ligawan si Claudine noon.

"Parang�nararamdaman namin na soulmates kaming dalawa. May mutual respect kami for each other, na hindi naming ma-imagine na magkakatuluyan kaming dalawa.

"Mas kumportable kami na nakikita naming nagu-grow ang friendship namin."

Ano ang maibibigay na payo ni Diether kay Claudine ngayong malapit na itong ikasal? Eh, mukhang mas nauna namang makaranas ng kasal si Diether kay Claudine, �di ba?

"Mga pahapyaw mo, ha! Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na reaksiyon ni Diether.

"Wala akong maibibigay na advise sa kanya. Iniisip niyo lang `yon na parang mas nauna ako. Siguro, nauna ako sa kanya in terms of responsibility, dahil I grew up without a father, `di ba? Big responsibility ang naiwan sa akin, at nakita niyo naman kung paano ko tinaguyod ang pamilya ko," say ni Diether.

Wala pa bang plano si Diether na pakasalan na si Kristine (sa simbahan?)? Eh, nagpapakasal na ang mga malalapit na babae sa buhay niya, �di ba?

"Pabayaan mo na sila. Masaya ako para sa kanila."

Bakit natsitsismis na hiwalay na sina Diether at Kristine Hermosa? Si Pauleen Luna nga raw ang dahilan?

Sabi sa tsismis, nakita ni Kristine ang laplapan nina Diether at Pauleen sa cellphone niya?

"Wala `yon! Promo lang `yon sa Bora! Eh, wala namang dapat mahuli, `no! Wala `yon!" nakangiting tugon lang ni Diether.

Kailan nga niya pakakasalan sa simbahan si Kristine?

"May hinahanda akong negosyo, na kapag `yon, na-establish na at naging maganda ang takbo, then I can say, kumbaga may confidence na ako na kahit mawala ako sa showbiz, basta meron ako noon, kayang-kaya ko na, anytime magpapakasal na ako" say ni Diether.

Nagsimula na raw ang negosyong �yon ni Diether. Ayaw lang niyang ikuwento kung ano ito.

"Pero, nakakatulong ito para sa mga kababayan natin. Basta, it will put us in the world map. Lagi na lang tayong napag-iiwanan, ang dami-raming magagaling sa atin, eh," seryosong sambit pa ni Diether.

Teka lang, bakit pinayagan ni Diether si Kristine na makisamang muli sa ex-boyfriend nitong si Jericho Rosales sa Ang Panday?

"Siya na ba? Sa part na `yon, hindi ako nakikialam, eh."

***

Siyanga pala, magkapatid ang papel nina Diether at John Lloyd Cruz sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Sa kuwento ni Diether, bagamat magkapatid sila ni John Lloyd, magkaibang-magkaiba ang kanilang personalidad.

Si Diether ang naatasan na mag-asikaso sa negosyo nila, na tipong de-numero ang mga kilos, samantalang si John Lloyd naman ay pa-easy-easy lang ang buhay.

Si Diether ay may imahe na dapat pangalagaan, samantalang si John Lloyd naman ang tipo ng lalake na kumakain sa mga turo-turo at nakikipagkaibigan sa mga mahihirap na tao sa magulong mundo.

"Kung titingnan mo, mas matalino ang character ko sa character ni John Lloyd. Pero, parang mas matalino siya, dahil mas marami siyang nai-explore.

"Unlike me, parang limited lang ang ginagawa ko, trabaho at bahay lang," sabi pa ni Diether.

Pero, si John Lloyd ang naging dahilan para makilala ni Diether ang character naman ni Claudine Barretto. Sabi pa ni Diehter, mababago ang pagmamahalan nila ni Angelika dela Cruz nang dahil sa pagpasok ni Claudine sa buhay niya.

Mistula nga raw Imelda Marcos at Ferdinand Marcos ang drama nina Diether at Angelika sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Si Angelika ang parang nagpapatakbo sa buhay ni Diether.

"Oo, parang ganu`n. `Yung character ko kasi, parang ang pinanghahawakan ko ay ang success."

Nilinaw ni Diehter na hindi kontrabida si Angelika sa teleserye nila. Kung may kontrabida man daw, lalabas lang �yon sa sitwasyon, at hindi talaga kontrabida sa simula.

"Walang masamang karakter sa amin," say pa niya.

Sa bilang ni Diehter, pang-apat na pagsasama na nila ni Claudine ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Nagsimula sila sa Mula Sa Puso, nasundan ng Saan Ka Man Naroroon at Marina. Bukod pa roon ang Buttercup nila, na sa bandang huli ay nagkahiwalay rin sila at hindi naman maituturing na teleserye.

Kuwento pa ni Diether, sa sobrang dami na ng pinagsamahan nila ni Claudine, puwede na silang magtrabaho habang nakapikit. Hindi na nila kailangang pakiramdaman pa ang isa�t isa, para maging maayos ang shooting o taping nila.

"Kahit nakapikit talaga. Parang may instant chemistry kami. Na every project na nagsasama kami, kusa na lang lumalabas `yung chemistry naming," sabi na lang ni Diether.

Source: Abante