Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pauleen Luna nangangayayat dahil sa naunsyaming pag-ibig

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

AYAW pang aminin ni Katrina Halili na may relasyon na sila ni Joross Gamboa, ang na-pi-feel pa lang ngayon niya ay nagki-care sa kanya si Joross at siya rin ay gayundin.

Nakausap namin si Katrina sa presscon ng Obra na si-ya ang one-month feature star ng drama anthology ng GMA-7 na magsisimula na sa Aug. 14.

Napili siya ni Direk Mar-yo J. delos Reyes dahil maga-ang dalhin si Katrina bilang artista. 'Yun bang walang problema sa kanya sa set. La-ging handa sa camera. Walang kaartehan. Bukod pa sa magaling siyang artista. Ma-dali siyang mai-emote ang character niyang ginagampanan.

Iba't ibang characters ang gagampanan ni Katrina sa apat na episodes na kanyang lalabasan sa Obra. Samantala, tungkol kay Joross, nasabi ni Katrina na kung hindi sila nagkikitang madalas, nagti-text at nag-u-usap sila sa phone. Walang masabi si Katrina sa ginaga-wang panunuyo ng binata sa kanya.

Tungkol sa One Night Only movie niya sa OctoArts Films, inamin ni Katrina na umalis lahat ang mga artistang taga-ABS-CBN na kasama ni-ya. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit. Basta, si-nabi sa kanya ng management ng OctoArts na hindi na kasama ang Kapamilya stars sa One Night Only na sina Angelica Panganiban, Valerie Concepcion, at iba pa. Pang-2008 Metro Manila Film Festival ang movie na ito

* * *

ANO kaya ang dahilan ng pangangayayat ni Pauleen Luna?

Nabanggit ito ng staff ng Kung Ako Ikaw nang maging celebrity guest nila si Pauleen sa episode na Seaman. Sila ang mga babaing seaman na magti-training sa Magsaysay Center sa Tanza, Cavite .

Sabi ng staff ng KAI, dahil sa pangangayayat ni Pauleen, medyo bumagal ang kanyang kilos sa set. Marami ang nagsasabing nalulungkot pa rin si Pauleen sa split up nila ng boyfriend na si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

Anyway, naging okey rin naman ang taping ng Seaman episode ng KAI. Walang nag-backout kina Pauleen, Bianca King at Carlene Aguilar. Aba, mahirap ang dinanas ng tatlo. Ginawa nila ang mga trabahong lalaki na tulad ng pagi-ging bumbero ng barko, nag-rescue ng nalulunod na tao at pag-dive sa 15 ft na lalim ng dagat. Bukod pa rito, binig-yan sila ng written exams sa training sa CPR at first aid.

* * *

SA launching ng TV 5, masa-yang umuwi ang lahat ng entertainment press na duma-ting sa presscon. Bukod sa na-migay ng 20 pieces IPOD, may cash pang pina-raffle na worth P150,000. Lahat ay namangha sa production numbers na ibinigay ng mga ar-tista ng bawat show.

Bilib kami sa dalawang Latina stars na sina Arianna Barouk at Daiana na trying hard sa pagsasalita ng Tagalog. Nakatatawa ang pagku-comedy nila using Filipino language. Na-appreciate din namin ang pagsasayaw nila ng Singkil na ginawa nilang moderno. Hitik sa mga bagong programa ang TV 5. Pero, hin-di raw sila sasali sa labanan ng dalawang giant networks na nagpapaligsahan sa paga-gawa ng magagastos na soaps. Nagsimula na ang broadcast ng TV 5 yesterday.

* * *

'DI bibitiw si Sen. Bong Re-villa sa programa niyang Kap's Amazing Stories dahil dito ni-ya nahasa ang kanyang ga-ling sa paghu-host ng infotainment program na talagang sinusubayba-yan ng milyun-mil-yong viewers. At pati si Sen. Bong ay nagpa-participate sa production aspect ng programa. Nagsa-suggest si-ya kung paano pa lalong mapapaganda ang programa. This week, sasa-gutin ng Kap's Ama-zing Stories ang mga katanungan tungkol sa amazing experiences ng ilang tao na nabi-ngit sa kamatayan.

* * *

BIBIGYAN ng bonggang birthday celebration si Mother Lily sa programang SOP nga-yong Sunday.

Kasama niya ang buong cast ng Loving You, ang ba-gong Obra ng Regal Films na tiyak na kikiliti sa lahat ng mahihilig sa romance/come-dy. Bukod kay Mother Lily, darating din sina Iza Calzado at Dulce para mag-celebrate din ng kani-kanilang kaara-wan. Masayang Sunday ito at tampok ang mga piling awi-tin ng Abba na kikiliti sa ima-gination natin.

Ang limang natitira sa Pinoy Idol ay darating din sa show para batiin ang kanilang mga fan na mga magsisidalo rin.

Samantala, malalaman mamayang gabi kung sino ang tatanghaling top 2 ng Pi-noy Idol dahil tatlo ang masisibak this Sunday night eli-mination na gagawin sa Mall of Asia

* * *

KAHIT sexy ang image ni Eh-ra Madrigal, hindi pa rin na-wawala sa kanya ang ugali ng dalagang Pilipina. Kasi, pagdating sa pag-ibig ay conservative siya.

Aba, mahigit na sa tatlong taon ang relasyon niya kay DJ Mike. According to Eh-ra sa set ng Dear Friend sa epi-sode na Sibling Rivalry, hindi siya mahilig sa papalit-pa-lit ng boyfriend . Pero, wala pa rin sa utak niya ang pag-aasawa dahil nasa kainitan pa ang kanyang showbiz career.

This Sunday mapapano-od si Ehra sa Dear Friend hos-ted by Marvin Agustin and Jolina Magdangal.

Kasama ni Ehra sa episode ang kanyang sister na si Michelle Madrigal.

Madrama ang episode kaya malalaman kung sino talaga ang pinagpala sa mag-kapatid na ito pagdating sa akting.

Source: Taliba