|
|
| Pauleen at Dennis, 'irog' ang tawagan!![]() Author: Jun Nardo PINILI nina Richard Gomez at misis na si Lucy Torres Gomez at anak na si Juliana si Wyngard Tracy, bilang kapalit ng yumao nilang manager na si Douglas Quijano. Isinama na rin ng pamilya ang girlfriend ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa roster of talents ni Wyngard. Si Wendell Ramos muna ang unang kumuha kay Wyngard para humawak sa career niya. Agad sumunod sa kanya si John Estrada. At ngayon nga, ang pamilya ni Goma at ang dyowa ni John ang napunta kay Wyngard. Siguradong happy naman si Tito Dougs sa mga taong ipinalit sa kanya ng artistang kanyang ginabayan nu'ng nagsisimula pa lang sila sa showbiz. Irog pala ang tawagan nina Pauleen Luna at Dennis Trillo. Nabuking ito minsan sa isang episode ng Bulaga. Dala marahil 'yon ng role nilang Batanggenyo sa GMA series nilang Adik Sa 'Yo kaya 'yon ang terms of endearment nila. After Mayor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City, si Dennis na nga ang lalaking nagpapasaya sa buhay ngayon ng Eat Bulaga host. Panay man ang tukso kay Pauleen ng co- hosts niya sa noontime show, hindi naman siya napipikon. Inlababo kasi, 'no! Kahit may age difference din sila ni Dennis, at least, hindi ito katulad ng age gap nila ni Mayor Sherwin. Eh, naging dahilan kasi ang kabataan ni Pauleen at pagiging seryoso naman ni Mayor Sherwin kaya hindi nag-swak ang relasyon nila. Source: Abante |