|
|
| Pauleen ipinakilatis na ni Dennis sa nanay![]() Author: Noel Asiñas IPINAKILALA na ni Dennis Trillo si Pauleen Luna sa kanyang ina nang ma-ospital ito recently. Nagpa-open heart surgery ang ina ni Dennis kaya matagal-tagal din na na-confine sa ospital. Lately, laging tensiyonado si Dennis dahil sa kalagayan ng ina. Sumasaya lang ito kapag kasama si Pauleen sa set ng Adik sa Yo. Sa interview kay Dennis para sa pelikulang Tarot ng Regal Films, ikunuwnto nitong mabuti na ngayon ang kalagayan ng ina dahil successful naman ang naging operasyon. Tungkol sa kanila ni Paulene, kuwento ni Dennis ay going strong pa rin ang kanilang relasyon. Lalo raw silang nagiging super-close at madalas na nagde-date. "Kapag kasama ko si Pauleen, may peace of mind ako. Masarap siyang kasama. Super-bait niya at nagkakaunawaan kami," pag-amin ni Dennis. Talaga yatang nakalimutan na ni Dennis si Cristine Reyes. Tutal sinabi ni Dennis sa isang interview na kapag hiniwalayan na niya ang isang babae ay hindi na niya binabalikan. Tungkol sa movie ni-yang Tarot, ito ang first time na magkapareha sila ni Marian. Sa Pamahiin movie ni Dennis ay lumabas si Ma-rian na multo sa horror movie ng Regal a few years back. May isa pang leading lady si Dennis sa Tarot bukod kay Marian, si Ro-xanne Guinoo. Si Jun Lana ang director ng movie at parang birthday presentation ni Mother Lily Monteverde sa publiko. Nagdiwang si Mother Lily ng birthday last August 17 ng walang bonggang party. Ayon sa Regal matriarch, ibibigay na lang niya sa charity ang gagastusin niya sa kanyang birthday. * * * MAS nakakaaliw si Paolo Contis sa OC To The Max tuwing Tuesday night pagkatapos ng Cruel Love sa GMA-7 dahil sa magta-try siyang mag-ice skating habang naghu-host. Para nga naman maiba sa madalas niyang ginagawa na sa kalye naghu-host. Ipi-feature ng OC ang mala-goldfish ang mga babaing nagsasayaw sa ice skating ring dahil sa makulay na costume. Susubukan din ni Paolo na mag-shadow boxing habang naka-ice skates. Ilan lang 'yan sa ikukuwento ni Paolo sa OC To the Max na dapat abangan. * * * HINDI pa rin nakababalik sa Eat Bulaga si Jose Manalo. Pero ang partner niyang si Wally Bayola ay last week pa nakabalik sa no. 1 noontime show sa bansa. But last Saturday, kumanta't sumayaw si Jose para sa promo ng Love On Line na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Paula Taylor. Desisyon daw ni Jose na huwag munang lumabas sa EB dahil inaasikaso niya ang kaso na isinampa laban sa kanilang mag-asawa. Anyway, patuloy pa ring mapapanood si Jose sa Wow, Hayop every Wednesday night na hango sa Animals Are People Too na hit sa America. Sa second season ng Wow, Hayop, panay aso ang ipini-feature. Mapapanood ito pag-katapos ng Cruel Love. * * * Sa inaabangang Adik Sa Yo ng GMA-7, kung saan tampok ang tambalan nina Dennis Trillo at Jennica Garcia, Jolina Magdangal at Marvin Agustin, uuwi si Camille sa Batangas at susundan siya ni Ruben to prove his love for her. Pero pupuntahan muna ni Ruben si Karen para magbayad ng utang. Hindi na matatagalan ni Karen ang pagdidikta ni Stella sa kanya at magdedesis-yon ulit itong lumayas. Dahil dito, aalis din si Luigi. Dahil wala ng kasama si Stella, ibebenta na niya ang mansyon para makapag-simulang muli. Mamumrublema naman si Joana sa dalawang binatang sinagot na sabay pang dadalaw kay Joana. * * * PATULOY na gumagala na sa liblib na mga probinsya sa buong Pilipinas ang 10 doctor-scholars ng First Gentleman Foundation. Ang mga nagte-training sa magiging barrio doctors ay mga doktor sa Philippine General Hospital. Ginastusan ni FG Mike Arroyo ang 10 scholars na mula sa FG Foundation. Kumukuha ng foundation ng karapat-dapat na scholars para maging doktor at naka-enrol sa iba't ibang unibersidad sa bansa tulad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ng UP Philippine General Hospital. Masusing pinipili ang kinukuhang scholar para maging barrio doctors. Kailangan lamang na pumasa sa mga pagsubok na sususungin sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kababayan nating nasa malala-yong lugar. Sinumang nais kumuha ng scholarship sa FG Foundation ay makipag-coordate lamang sa tanggapan nito na matatagpuan sa LTA Building, Perea St. , Makati City. Source: Taliba |