Dec 02
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Pauleen kinompronta ang bf na mayor

Inamin ni Pauleen Luna sa shooting ng Shake, Rattle & Roll 9 na ginanap sa Regal Valencia nung Linggo ng gabi na hindi siya naaapektuhan bahag­ya man ng mga blind items tungkol sa kan­yang nobyo na mayor ng Valenzuela.

 

Pauleen kinompronta ang bf na mayor

Pauleen Luna

Column: Sanga-sangandila
Author: Veronica R. Samio

Inamin ni Pauleen Luna sa shooting ng Shake, Rattle & Roll 9 na ginanap sa Regal Valencia nung Linggo ng gabi na hindi siya naaapektuhan bahag­ya man ng mga blind items tungkol sa kan­yang nobyo na mayor ng Valenzuela.

“Tinanong ko naman siya tungkol dito (na meron itong karelasyon bukod sa kanya na mula sa isang lugar sa Katimugan) and he vehemently denied it, at naniniwala ako sa kanya.

“Bukod sa pagiging isang mayor ay isa ring ne­gosyante ang boy­friend ko, marami itong pinu­pun­tahan. Puwe­deng nakikita siya sa mga lugar na sina­sabi sa blind items pero, nani­niwala akong traba­ho lang lahat yun. Pero, kapag napatunayan ngang merong third party, wala na kaming relasyon, makiki­pag­hiwalay ako sa kanya, at wala na kaming bali­kan,” matigas na sabi ng batang aktres who will turn 19 years old this Saturday.

Sa kabila nang matatag ang kanilang limang buwang samahan ni Mayor Sherwin Gat­cha­lian, sinabi ni Pauleen na wala pa silang planong magpa­kasal.

“Happy naman kami but not obsessed with marriage. Gusto niyang mag-continue ako sa aking career para raw progressive kami pareho,” patuloy pa ni Pauleen na ka­sama sa Bangungot episode na dinidirek ni Michael Tuviera na pinagtatambalan nina Dennis Trillo at Roxanne Guinoo na for the first time with Jaymee Joaquin, Jason Gainza at Andrea Torres.

Ang dalawa pang episodes ng Shake, Rattle & Roll 9 ay ang Christmas Tree ni Paul Daza at Engkanto ni Toppel Lee.

* * *

Alam ni Sharlene San Pedro na marami na namang manonood ng TV ang magagalit kapag napanood ang bagong serye ng ABS CBN na Princess Sarah dahil hindi niya kasama rito si Nash Aguas.

“Marami na kasi kaming mga shows na pinagsamahan ni Nash sa ABS CBN ( Once Upon a Time, Calla Lily), runner-up niya ako sa Star Circle Kid kaya nasanay na ang tao na makita kaming magkasama, parang tandem pero, dito sa Princess Sarah wala siya, mga batang babae ang kasama ko,” paliwanag ni Sharlene na ginagampanan ang title role sa bagong series.

Naka-enrol sa isang home study program si Sharlene at nasa grade three siya. At kahit abalang artista, fourth honorable mention siya.

“Hindi ko po nami-miss ang regular school dahil madali akong ma-distruct ng mga bata, at nasusuka po ako kapag napapagod ako kaya ideal na po sa akin itong home study pogram,” paliwanag ng bata na napakadaling magpatulo ng luha.

Marami siyang siguradong paiiyakin sa Princess Sarah kapag nagsimula na itong mapanood sa Nob. 12.

* * *

E-mail: veronicasamio@yahoo.com

Source: Pilipino Star Ngayon