Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pauleen unang tinawagan ni Dennis nang maaksidente sa Boracay

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

MADALAS tuksuhin si Pauleen Luna ng mga kasama sa Eat Bulaga dahil malungkot ito mula nang maaksidente ang "mahal" niyang si Dennis Trillo sa Boracay.

Nang maaksidente raw kasi si Dennis sa Boracay ay una nitong tinawagan si Pauleen.

Sa interview kay Pauleen, inamin nitong hindi niya madalaw madalas si Dennis, na nagpapahinga sa tinamong sugat sa aksidente, dahil busy siya sa taping ng bagong soap ng GMA-7 na Ikaw Sana, kasama sina Mark Herras at si Jennylyn Mercado.

Ang director ng Ikaw Sana ay si Joel Lamangan, direktor din ng Adik Sa 'Yo na nagbigay ng magandang role kay Pauleen bilang ka-love triangle nina Dennis at Jennica Garcia.

Masaya ang ending ng Adik Sa 'Yo last Friday dahil puno ng katatawanan at revelation at super-taas ang nakuhang rating na 34. 1%.

Ayon sa program manager ng show na si Rams Da-vid, marami silang natanggap na tawag at email na nagsasabing bitin sila sa show.

Samantala, ang Ikaw Sa-na ay reunion ng cast ng Blue Moon movie ng Regal noon, na mapapanood na sa September 21 kapalit ng All My Life.

* * *

NAKAUSAP ni Paolo Bediones si Vlad Nesas, ang huling castaway na umuwi mula sa Survivor Philippines Palau.

Hindi na siya sumama kay Justine sa Purgatory site ng Survivor Philippines dahil inamin niyang hindi na niya kaya ang pressure na dina-nas sa Palau.

Blessing-in-disguise nga ang pagkawala niya sa Survivor dahil sobrang na-lungkot si Vlad sa Palau kaya umuwi na lang agad.

Nang umuwi si Vlad, mas pinili ang kanyang kalusugan kaysa sa P3M premyo.

* * *

PINAGKATIWALAAN na ng GMA-7 ang tamba-lang Jennylyn Mercado at Mark Herras para sa early evening primetime na Ikaw Sana.

Matagal nang plano ang soap na ito kaya biglang hindi nakasama si Mark sa Darna, na dapat ay lalabas sa role ngayon ni Alfred Vargas na isang pulis.

Dahil nawala si Mark sa Darna, inulan ito ng kontrobersiya tulad ng ayaw daw ni Dingdong Dantes sa binata dahil minsan din siyang na-link kay Marian. Pero ang totoo, bibigyan pala sila ng solo soap ni Jen.

* * *

LALABAS ang magpartner sa Wow, Hayop sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Ang tema ng episode ngayon Wednesday ay Take It, Or Leave It at malalaman kung napapasunod ng amo ang kanyang alagang aso. Mapapanood ang Wow, Hayop pagkatapos ng Shi-ning Inheritance.

Source: Taliba