Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pelikula nina Pacquiao, Ara iba ang dating

Author: Raymund Vargas
Column: Gala

"MAGANDA at gagaan na ang dating ng pagtatapos at pagpasok ng darating na taon para kay Manny Pacquiao dahil ang mga taong nakasamaan niya ng loob na muntik na mauwi sa demandahan ay magkakasundo na ngayon. "

Ito ang bungad ni Direk Kaka Balagtas sa amin nang tanungin namin siya tungkol sa pagbabati nina Tita Cristy Fermin, Korina Sanchez at Manny Pacquiao.

Nilinaw rin ni Direk na wala sa hanay ng taga-pelikula ang diumano'y nagsusulsol kay Manny kaya nagkakaroon ng masamang imahe sa iba si Pacman. May sariling pag iisip si Manny para masulsulan, alam niya kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino lang ang nagpapaikot sa kanya.

Likas lang kasi kay Pambansang Kamao ang kabaitan at pagiging ma-tulungin kaya nga mapatawa mo lang siya ay agad itong nagbibigay ng datung, eh yun pa kayang lumapit ka at humingi ng tulong ang di mabibigyan.

Samantala, napanood namin ang trailer ng Anak ng Kumander at masasabi naming maganda ang pagkakagawa nito at may kakaibang dating. Malaki ang tsansa ng pelikula na makakuha ng maraming awards sa darating na Metro Manila Film Festival.

Naaangkop sa kasalukuyang panahon ang istorya nito at sinisiguro ko na marami ang tatamaan sa ating mga kababayan particular na ang mga public servants kuno pero pansarili lang ang iniintindi. Kakalimutan ang intigridadat dignidad ng dahil sa pera.

Bukod kay Manny Pacquiao, kasama rin niya rito sina Ara Mina,Valerie Concepcion na mayroon ding kissing scene kay Manny, Roi Vinzon,Efren Reyes Jr. Dante Rivero, Lara Morena, Danny Labra, Jess Sanchez, Alvin Anson at maraming iba pa mula Manny Pacquiao Production (MPP) sa direksyon ni Kaka Balagtas.

* * *

Ang isa pang pelikulang dapat pa ring abangan sa MMFF ay ang pelikulang Katas Ng Saudi na tumatalakay sa buhay ng isang pamilya ang ama ng tahanan ay nakipagsapalaran sa ibang bansa para mag-trabaho upang sa ganun ay maita-guyod ang kanyang pamilya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.

Mahirap ang buhay ng isang OCW dahil lahat tinitiis nito para sa kayang mga mahal sa buhay, ngunit marami riyan na kahit may sarili ng pa-milya ay patuloy pa ring takbuhan ng kanyang mga kamag anak na ang feeling ay dumudumi o namumulot lang ng pera ang isang OCW.

Bukod pa riyan, andyan ang mga kaibigan na kapag dumarating ang isang nagtatrabaho sa ibang bansa ay panay ang pablow out o dili kaya ay hingian ng hingian ng pasalubong.

Pero ang pinakamasakit para sa isang OCW ma babae man ito o lalake ay ang datnan mo ang iyong pamilya na para bang isa kang estranghero sa kanila, lalo na sa iyong mga anak na maaaring naiwan mo ng maliliit pa sila at nagtrabaho ka ng matagal sa malayong lugar.

Mahirap para sa isang magulang ang maging malayo ang loob sa iyo ng sarili mong mga anak. Iyan ang isa sa tinalakay sa pelikulang ito ng Maverick Films na pinangungunahan nina Sen. Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino,kasama sina Shaina Magdayao, Aaron Villaflor at Julian Estrada bilang mga anak. Si Julian ay ang 11 year-old na anak ni Jinggoy na kasalukuyang fifth grader sa Xavier School sa San Juan City.

Bilang suporta,andyan sina Bayani Agbayani, Rayver Cruz bilang love interes ni Shaina,Dick Israel, Eugene Domingo, Vangie Labalan at Liza Lorena sa direksyon at panulat ni Direk Jose Javier Reyes.

Source: Taliba