Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pero ayaw maka-partner sina Piolo Pascual, Dingdong Dantes

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

ANG sexy-sexy ni Precious Lara Quigaman nang magsayaw siya sa Shall We Dance.

Ang liit ng kanyang waistline, pero kapuna-pu-na rin ang liit ng kanyang boobs sa suot niyang bra-like costume.

Sa taas at ganda ni Pre-cious ay model na model at beauty queen talaga ang kanyang dating. At sa tanong kung magpapalaki ba siya ng boobs, ayon kay Precious Lara, wala siyang ba-lak magpa-breast enlargement.

"Takot kasi ako sa ope-ration. Masakit kasi ito. For two months ay mararamdaman mo 'yung pain. Eh, ayoko ng ganoon. Magtitiyaga na lang ako sa maliit kong boobs," naka-ngiting sabi ni Precious.

Pinatotohanan ni Precious Lara na may offer sa kanya ang Wowowee na bumalik sa show nang mag-guest siya dito last month nang mag-promo sila ng Turismo Pilipina.

Okey na raw sila ni Pa-pi Willie Revillame, pero. ..

"Sino ba naman ang ayaw bumalik, eh, isa 'yong daily show. Income-wise and exposure-wise ay ma-laking tulong ito sa akin ka-ya lang I have to beg off ka-si may mga natanguan na akong previous commit-ments,"paliwanag ni Precious.

* * *

LAGI kaming na-tutuwa ka-pag nakikita na-min si Lea Salonga dito sa Pi-lipinas.

Naririto siya ulit para kantahin ang theme song na Lipad ng unang all-Filipino, all-digital, full-length animated film, ang Dayo sa Mundo ng Elementalia na isang official '08 MMFF entry produced by Cutting Edge Productions.

Yes, sa rami ng magagandang entries natin ngayon para sa MMFF sa taong ito, may isang pelikula na ginawa ta-laga para sa mga bata at ito nga 'yong Dayo na puwedeng maihalintulad sa mga sikat na Disney movies na Alladin at Mulan na si Lea rin ang kumanta ng theme songs.

Star-studded din ang mga artistang nagpahiram ng kanilang boses para sa characters sa Dayo tulad ng child star na si Nash Aguas na si-yang boses ng batang bida na si Buboy.

Apir din sina Pokwang (boses ng yayang si Vicky), Michael V (Narsi), Noel Tri-nidad (Lolo Meong), Nova Villa (Lola Nita), Johnny Delgado (Carpio), Peque Gallaga (Nano), Laurice Guillen (Diwata/Bruha) at Gabe Mercado (Jo).

Tumataginting na $1. 3M ang budget ng Dayo which is roughly P65M. And it employs 500 Filipino animators to finish the movie.

Ngayon pa lang ay inte-resado na itong bilhin ng Mexico, Brazil at Argentina.

Nakatanggap din sila ng invitation na isali ito sa isang filmfest sa Switzerland. Ka-ya puwede nating ipagma-laki ito talaga.

Speaking of Lea, gusto niyang makasama ulit si Aga Muhlach sa isang movie, pe-ro sana raw ay something special ito at hindi rehash lang ng mga nagawa na ni-lang movies.

Ayaw niyang makapa-reha sina Piolo Pascual at Dingdong Dantes dahil mas-yado raw mga bata ito para sa kanya.

Lea is 37 years old now kaya tama lang daw si Aga sa kanya who is 39 years old naman.

Hindi rin niya feel na gu-mawa ng isang pelikula na may temang May-December affair. Kasi nga, bata pa naman daw siya para gawin 'yon.

Siguro mga five years from now pa kung 42 years old na siya, puwede na si-yang gumawa ng ganoong tipong pelikula with a younger leading man.

Wala rin daw siyang pa-nahon na gumawa ng isang teleserye dahil fully booked ang sked niya sa kanyang in-ternational commitments.

Source: Taliba