Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Phillip, nagpadasal para kay Cory Marjorie, pinalitan ni Dennis ng tisay!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

NAGSALITA na rin si Eddie Gutierrez tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng asawa niyang si Annabelle Rama at mga anak na sina Ruffa at Richard Gutierrez.

“Akala siguro nila hindi ako interesado o akala nila, masyado akong strong. Siguro, ina-avoid nilang uminit ang ulo ko dahil may sakit ako sa puso.

“Ang pamilya namin has always been having intrigues. But we are always together. Hindi kami nagwawatak-watak. Hindi kami nag-aaway. We face it as a family!” pahayag ni Tito Ed sa victory/farewell party ng Zorro na ibinigay ng GMA.

Eh, ano ang feeling niya nang ma-link si Ruffa kay John Lloyd?

“Kung sino ang mahal ni Ruffa, mamahalin ko na rin! Ang pagmamahal ko kay Ruffa, bilang anak. Hindi naman ako puwedeng maging boyfriend ni Ruffa! Ha! Ha! Ha!

“I love her because she's my only daughter. Kung sino ang mahal niya, mamahalin ko rin!” sagot ng veteran actor.

Kung sumama ang loob ng asawa niyang nang umalis si Ruffa sa bahay nila, eh, siya, ano ang naramdaman niya that time?

“I felt bad! It was her decision. I wanted to tell her na huwag na siyang umalis pero insistent siyang umalis. I let her go!” sabi ni Tito Eddie.

Eh, 'yung laban nina Tita Annabelle at Wilma Galvante?

“These two women are strong people. I'm sure, darating ang araw na magkakabati rin sila,” sagot niya.

Eh, 'yung kaso at problema ni Richard?

“I know, mahirap sa umpisa at nasaktan siya sa nangyari. Pero alam mo si Chard, gusto niyang mag-concentrate sa trabaho niya. Excited siya sa coming projects niya. That's good dahil it will take away his mind sa problema niya,” tugon ng tatay sa problema ng anak niya.

Pagdating naman sa health ni Tito Eddie, patuloy siyang nagdyi-gym, laro ng basketball at swimming. Pero mas guwapo pa rin siya kay Richard, huh!
“Noong araw! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Tito Eddie.
***

Tapos na ang problema ni Mother Lily sa aktres na lalabas na anak ni Sharon Cuneta sa Mano Po 6. Si Carla Abellana na ang balitang kinuha ng producer sa Filmfest entry niya matapos tangggihan ni Angel Locsin ang role at hindi naman pinahiram ng Star Cinema si Kim Chiu.

Balitang offbeat ang role ni Carla sa MP6 kaya ibang-iba ito sa swit-switan at api-apihang role niya sa Rosalinda.

So pipigain siya sa ac­ting ni direk Joel Lama­ngan once magsimula na siya ng shooting.

Pero ngayong gabi sa Rosalinda, matutuwa si Florencio (Roderick Paulate) dahil magpo-propose na ng kasal si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) kay Rosalinda. 'Yun nga lang, may masama na namang binabalak si Fedra (Katrina Halili) upang masira si Rosalinda kay Fernando Jose.
***

Sa party pa rin ni Sen. Jinggoy Estrada last Saturday, present ang mga showbiz friends niya gaya ni Phillip Salvador. Tinanong namin si Ipe kung dumalaw na ba siya kay Presidente Cory Aquino na lola ng anak niyang si Joshua.

“Hindi pa pero ni-request ko sa church namin na ipagdasal siya. Nandito naman siya sa puso ko!” tugon ni Ipe sabay turo sa dibdib niya.

Dumalo rin sa kasiyahan sina Sen. Bong Revilla, Christopher at Sandy Andolong, Isabel Rivas, Joko Diaz, Dennis Padilla na karay-karay ang bagong dyowang tisay, ha.

Bongga nga si Dennis, dahil tisay ang ipinalit niya kay Marjorie Barretto.

Nandun din ang kapatid niyang si Gene, Joko Diaz, Jhong Hilario, Bobby Andrews and wife Bien­ne, Nadia Montenegro at anak na si Yna Assistio na katabi ang panganay ni Jinggoy na si Jolo.

Tinukso nga ng ama ang anak kung nanliligaw ito sa anak ni Nadia.

“Hindi po! Kaibigan lang!” denay ng binatilyo pero nakipag-duet kay Yna ng ilang kanta at panay ang alalay niya sa dalaga, huh!

Nagdatingan din sina Jordan Herrera, Lorna Tolentino at anak na si Renz, Precy Ejercito, Joseph Bitangcol, GMA execs, Marivin Arayata at Redgie Magno, Malou Choa Fagar at Ninang Baby Pineda!

Source: Abante