|
|
| Pia Guanio may 'magic touch' kay Vic SottoAuthor: Joe Cezar ISINALANG sa Intriga Crossfire ang birthday girl na si Pia Guanio ng Showbiz Central. Maraming bumati sa kanya tulad ng kanyang high school friend na ibinuko pa ang TV host na ang dream pala ay maging isang lawyer tulad ng kanyang ama. Binati rin si Pia ng mag-amang Tito at Ciara Sotto. Naging close friends pala sina Ciara at Pia sa Eat Bulaga, at itinuturing nilang member na ng pamilya-Sotto si Pia. Pagbubuko ni Ciara, lahat na espesyal na okasyon tulad ng Christmas o family reunions ay palaging nan-du'n si Pia kasama ni Vic (Sotto). Wika naman ni Tito Sen, may 'magic touch' si Pia kay Vic. Ngayon lang daw kasi nila nakita ang nakababatang kapatid na palaging masaya. Ano nga ba ang 'magic touch ni Pia' kay Vic? Well, kapwa sila maganang kumain. Pareho silang maloko at maraming alam kung papaano makapagpapasaya ng mga tao. At higit sa lahat, si Pia, tulad ni Vic ay napaka-adventurous. Kamakailan nga lang ay nagpunta sila sa Africa, at sabi nila wala lang, type lang daw nila. * * * ISA pang birthday girl na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Oct. 29 ay si Angelika dela Cruz. At kasabay ng kanyang birthday celebration, iniha-yag niya sa Showbiz Central ang kanilang nalalapit na church wedding ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Orion Casareo. Sa Tagaytay City daw ito gaganapin sa Dec. 4. Principal sponsors nila mula sa showbiz world sina Wilma Galvante, Kris Aquino at Boy Abunda. Sa poli-tical side naman ay sina QC Vice-Mayor Herbert Bautista, Mark Jimenez, Sen. Ping Lacson, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Lito Lapid. Secondary sponsors si-na Judy Ann Santos, Jodi Santa Maria at Tanya. Tuloy pa rin ang pag-aartista ni Angelika. Biro nga niya, mabibitin daw ang kanilang second honeymoon dahil ang last taping day niya for Sine Novela Presents: Kaya Kong Abutin Ang La-ngit ng GMA7 ay sa Dec. 10. Sina Angelika at Orion ay mayroon nang 8-month old son na si Gabriel 'Gabby' Casareo. Source: Taliba |