Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pia, iniwan si Vic!

Author: People's Tonight

NU'NG Lunes bumiyahe papuntang Thailand ang TV host na si Pia Guanio. This time, solo siyang umalis at naiwan ang boyfriend niyang si Vic Sotto, na humarap sa press kahapon kasama ang leading lady na si Paula Taylor para sa pelikulang Love on Line (LOL).

Kasama ni Pia sa biyahe ang female friends na sina Claudine Trillo, Tessa Prieto-Valdez at Charina Sarte. Ka-join din nila ang party animal na si Tim Yap, na siyang sumagot sa lahat ng gastos.

Limang araw mawawala si Pia at nang makausap namin sa studio ng Showbiz Central nu'ng Linggo, masayang-masaya dahil pinayagang mag-leave sa Eat Bulaga at 24 Oras (Chika Minute segment).

First time raw niyang bibiyahe kasama ang female friends, kaya sobra siyang excited.

Samantala, no comment muna si Pia sa isyu ng hindi pagre-renew ng M-Zet TV Production para sa Ful Haus nila ni Vic sa GMA-7.

Narinig na raw niya ang tsika, pero hindi siya sigurado kung totoong ang Show Me the Manny sitcom ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nga ang hahalili sa mababakante nilang timeslot tuwing Linggo ng gabi.

"Hindi ko alam kung ano ang plano ni Mr. Producer (Vic)," sey niya.

* * *

KUNG si Janice de Belen, sumabak sa indie movie na Last Viewing bilang comeback vehicle of sorts in five years (ang huli niyang pelikula ay ang Annie Ba-tungbakal), si Alfred Vargas naman, pumayag magbida sa Colorum ni Direk Jon Steffan Ballesteros sa ilalim ng Cinemalaya Foundation at Wild Coyote Pictures.

Kuwento ito ni Simon (Alfred), isang promising cop at part-time driver na nagmamaneho ng kolorum na FX. Isang araw, makakasagasa siya ng tao. Tatakasan niya ang nagawa sa pamamagitan ng pagbiyahe sa Visayas tangay ang hostage na isang 70-anyos na ex-convict (ginagampanan ni Lou Veloso), na tanging saksi sa aksidente.

Ang Colorum ay unang napanood sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater) nu'ng July 18 at mapapanood sa Bulwagang Alagad ng Sining (CCP MKP Hall) ngayong Miyerkules, 9 p. m. ; Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater) bukas, 9 p. m. ; Bulwagang Alagad ng Sining (CCP MKP Hall), Biyernes, 3:30 p. m. ; Tanghalang Aurelio Tolentino (CCP Little Theater), 12:45 p. m. at Tanghalang Huseng Batute, 6:15 p. m. , sa Sabado, July 25.

* * *

SA opening ng Unica Hija branch sa SM Fairview nu'ng Sabado, nilinaw ng celebrity endorser nitong si Sarah Geronimo na hindi siya bubukod ng tirahan kahit mag-21 years old pa siya sa July 25.

Ang pagiging independent daw na sinabi niya sa isang earlier interview ay patungkol sa career niya, hindi sa personal na buhay. Siguro raw, mas magiging involved lang si Sarah sa pagpili ng mga project, 'di tulad dati, na ipinauubaya lang niya ang lahat sa manager na si Boss Vic del Rosario ng Viva o sa mga magulang niya.

Intriguing naman ang qualities na ibinigay ni Sarah sa magiging "potential" boyfriend niya. Dapat daw, God-fearing, mabait, guwapo at higit sa lahat, hindi lapitin ng "tukso. "

May pinatatamaan kaya ang Pop Princess?

* * *

RUMAMPA ang Pac-mom na si Dionisia Pacquiao sa ABS-CBN kamakailan at nagbigay pugay siya sa Kapamilya execs na sina Cory Vidanes, Charo Santos-Concio at Gabby Lopez.

Ayon sa video clip na ipinalabas sa news ng Dos at Studio 23, pinaplantsa na ang kauna-unahang project ni Mommy Dionisia.

Guess kung ano ang papel na inaalok sa kanya?

Hay, nanay lang naman ni Sam Milby!

So, comedy ito!

Source: People's Tonight