Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pia-Vic, isang linggong magliliwaliw!

Pia-Vic, isang linggong magliliwaliw!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

WALANG selebrasyon na magaganap sa birthday ni Pia Guanio sa third week of October. Sa halip ay magbabakasyon muna siya ng isang linggo sa Eat Bulaga at sa iba pa niyang shows sa GMA.

Sa abroad nakatakdang i-celebrate ni Pia ang kanyang birthday na siyempre, kasama ang kanyang minamahal na si Vic Sotto na time out din muna sa shooting ng Ang Darling Kong Aswang at sa iba niyang TV shows.
***

Tuloy na tuloy na ang solo show ni Piolo Pascual ngayong Sabado, October 10, sa bubuksang Zirkoh-Tomas Morato. Dapat ay last September 26 ang show na ito ng actor, pero nakansela dahil nu'ng araw na 'yon nanalasa ang bagyong Ondoy sa Metro Manila.

Sa pagkaka-re-sked ng show, nagkaroon ng dagdag na oras ang Zirkoh management upang higit pang pabonggahin ang bagong lokasyon ng comedy bar. After ng event kasi sa Sabado, wala nang urungan pa ang pagbubukas sa publiko ng Zirkoh.

Any comment, Tito Alfie Lorenzo? Ha! Ha! Ha!

Wait na lang namin ang column mo, huh! As you said, uso na naman ang balimbingan these days kasi nga, here comes the 2010 elections! Ha! Ha! Ha!
***

Pasok sa susunod na episodes ng Darna si Alyssa Ala­no bilang kakampi ng Babaing Tuod na papapelan naman ni Francine Prieto.

After kasi ng Babaing Lawin na si Ehra Madrigal, ang Babaing Tuod naman ang magpapahirap kay Darna.

Wala pang sked ang Babaing Linta na gagampanan naman ni Maggie Wilson. Pero sa mga darating na episodes ng series, balitang babalik ang karakter ni Mura bilang Impi.

Effective kasi siya kahit na nga hirap kumain dahil sa dalawang oras na pagmi-make up at prosthe­tics sa mukha at katawan niya, huh!

But this time daw, hindi na katatakutan si Mura sa pagsulpot niya dahil gagawing mabait ang drama niya. Hindi lang namin alam kung babaguhin din ang name niya, huh!

Source: Abante