Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Pictorial ni KC, hindi malaswa

Author: Ernie Enrile
Column: Mismo

Si KC Concepcion ang cover girl ng holiday 2007-2008 edition ng Hair Asia Today Beauty Journal, kung saan ang mabait at glamorosang si Evelyn Alvaran-Cruz ang publisher at editor-in-chief.

Si Evelyn din ang president at CEO ng Hair Asia, Inc.

Bukod sa pagiging anak ni megastar Sharon Cuneta, ang pagiging top print and TV image model at ang pagiging highest-paid product endorser ni KC ang mga naging batayan ni Evelyn upang masabing perfect cover material ang dalaga ni Mega sa said glossy mag.

Nang tawagan daw si Evelyn ni Fanny Serrano tungkol sa maluwag nang schedule ni KC para sa photo shoot na matagal nang hinintay, hindi na nag-aksaya ng oras itong huli.

Mamahaling props ang ipinagamit ng Rustan's sa pictorial na 'yun ni KC for the said mag which caters to the salon industry.

Ipinakita sa amin ng mabait na hair stylist ang ilang transparencies ng natural photo shoot ni KC para marahil pabulaanan ang agad lumabas na intriga na kesyo nagpa-sexy sa isang kuha ang anak ni Mega.

Ayon sa paliwanag ni Evelyn, mamahalin ang suot na gown ni KC at gawa 'yun ng isang international designer. Kung medyo mababa ang neckline ng damit at medyo nakita ang cleavage ng dalaga, ang purpose roon ay upang i-emphasize ang suot nitong kuwintas na nagkakahalaga ng P4M.

In fairness, maganda ang naturang kuha ni KC at wala kaming nakitang "malaswa" o anupaman, lalo pa't class ang dating doon ng dalaga.

* * *

Kung hindi pa namin pinasyalan ang shooting ng Anak ng Kumander, MMFF 2007 entry ni Manny Pacquiao, sa malayong lugar ng Port Magsaysay, Laur, Nueva Ecija, hindi namin mapapatunayang mali ang mga paratang ng ilan na kesyo, kasabay ng kanyang mga tinatamasang tagumpay sa larangan ng boxing ay yumabang na ito.

Ironically, galing ang ganitong mga intriga at paninira sa mga taong itinuring niyang kaibigan nu'ng araw, mga taong hindi niya pinagkaitan ng tulong.

"Nagtataka rin nga ako kung bakit wala naman akong nagagawang kasalanan sa kanila, tinitira nila ako ngayon," ani Manny nang makausap namin matapos kunan ang eksena nila ni Valerie Concepcion sa said Jose "Kaka" Balagtas-megger.

"Pero, hinahayaan ko na lang po ang mga ganyang paninira. Hindi naman natutulog ang Diyos," pagpapakumbaba pa ng boxing champ.

Tila na-amuse naman si Manny sa nais ibansag sa kanya ng malalapit na kaibigan. Dahil sa magandang layunin sa local movie industry at sa maraming maliliit na manggagawa rito, naisipan niyang mag-produce — si Manny na raw ang bagong FPJ ng industriya.

"Wala muna akong masasabi tungkol diyan. Basta ako, naisipan ko lang mag-produce (na sana'y magtuluy-tuloy), hindi para kumita, kundi para makatulong sa maraming tao rito," aniya.

True to his word, bukod sa dinatnan naming daan-daang extra nu'ng araw na 'yon, tinambakan pa ng Manny Pacquiao Promotion, Inc. ang filmfest entry nilang Anak ng Kumander ng maraming artista.

Aside kina Ara Mina, Valerie at Lara Morena, kabituin din ang mga award-wining actor like Dante Rivero, Perla Bautista, Roi Vinzon, Efren Reyes, Conrad Poe, Jimwell Stevens, Conrad Poe, Danny Labra, Jess Sanchez, etc.

* * *

By now, alam n'yo na marahil kung nakuhang muli ng Eat Bulaga ang Best Variety Show award sa katatapos lang na Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club.

For over a decade now since 1995, lagi nang naiuuwi ng EB ang naturang karangalan mula sa PMPC, hands down.

Ibig sabihin lang, sa tuwing nagiging BVS ang EB, lalo pa nila itong pinagaganda para sa kapakanan at kasiyahan ng mga tagasubaybay.

Siyempre, joint effort ang lagi nang pananagumpay na ito — mula sa mga think tank ng TAPE, Inc. , kabilang sina Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar, at ang dalawang matitino at matatalinong writers ng show, sina Orbit at Jenny, sina Joey de Leon at Vic Sotto, na lagi nang katulong sa pag-iisip ng fresh ideas para sa ikagaganda ng programa.

Anyway, ngayong Christmas season, tiyak na kaabang-abang muli ang mga segment, tulad ng Give Love on Christmas Day.

Nagsimula na rin ang kanilang pamumudmod ng mga hamon at keso sa Christmas Pa-buenas portion.

Source: People's Tonight