|
|
| Pilita, ininsulto si Lotlot!Column: Tell & Tell MABUTI na lamang at maaga ang guesting ni Lotlot de Leon sa The Buzz nu'ng Linggo, kung saan ibinulalas nito kung bakit sila nagkaroon ng gap ng kanyang ex-biyenan na si Pilita Corrales. "Masakit para sa akin 'yung sabihan niya akong nanlalaki or gustong makapag-asawa ng mayaman," words to this effect na confession ni Lotlot habang ini-interview ni Boy Abunda. Eh, nagkataon nu'ng Linggo ng gabi ring 'yon, guest naman si Pilita sa Sharon at tipong pamaang na tinanong nito si Megastar Sharon Cuneta ng "Kilala mo si Lotlot?," na kung kami ang nasa katayuan ni Lotlot ay tipong iisipin naming "another insult to injury," tsuk! Mabuti na nga lamang at magaling na host si Sharon (yezzz, mas magaling pa siya kay Oprah weder some like it or not!) at mabilis pumik-up in between the lines. Sometimes kasi, it's not what you say, it's how you say it, devah naman, Lotlot? Susme naman, bata pa si Lotlot kilalang-kilala na sa mundo ng showbiz dahil anak nga ni Superstar Nora Aunor lalo't ang tinanong pa ay isang matalino at may breeding na gaya ng Megastar, in fairness. Well, wish lang namin ay magkabati na sina Lotlot at Pilita one of these days, dahil anuman ang mangyari, 'di na maaalis ang konek nila sa isa't isa - ang mga dyunakis ni Lotlot kay Monching, that is. At take note, buhay na naman ang showbiz career nitong si Lotlot dahil sa mahusay na pagganap sa role na Banak, ina-inahan ni Dyesebel - ang pinakamagandang sirena sa balat ng telebisyon, wa kiyems! In defense of Marian sa detractors niyang hindi nagustuhan ang pabirong pagsasabi nitong. .. "bilasa" something nu'ng mag-promote itech ng Dyesebel sa Eat Bulaga. .. well, can't you take a joke? Ilang beses ba namin uulitin ang mga katagang. .. it's not what you say, it's how you say it, tsuk! Buti pa nga ang PBBTE Plus housemates, hindi lang jokes ang nate-take, kundi pati heavy tasks ni Big Brother. Eh, 'yon na nga lang tsapterin ni Kuya ang mga buhok ng male housemates, isang bangungot na 'yon, ha. Kaya lang, sabi nga sa kanila ni Kuya, isang sakripisyo 'yon for a good cause. Ang walang kamatayang quotation ek nga ng yours truly ay "sacrifice is the key to paradise. " O, ayun, nu'ng lumabas na si Giant Jolas sa PBBTE Plus last Saturday night, may offer na agad ito na maging basketball player sa U. P. In short, nagbunga ang mga sakripisyo nitong si Giant Jolas haban nasa loob ng Pinoy Big Brother house, in fairness! Who knows, baka magkaroon pa ito ng " giant" billboard as product endorser dahil he's really talk, dark and charming. Pinalitan daw ang word na handsome ng charming, o! Hahaha! So, use your charm, Giant Jolas! O, siya, para sa mga home viewer ng Wheel of Fortune, tune in tuwing 6 p. m. at hulaan ang puzzle of the day. Baka kayo na ang mag-win ng P50,000 or even P200,000 kahit 'di kayo mag-spin-a-wheel. Just download a featured ringtone and text Wof (answer) to 2366 from 12 noon to 11:59 p. m. , Monday to Friday. 'Yon lang and thank you. Source: People's Tonight |