|
|
| Pinoy Idol finalist walang balak lumipat ng networkAuthor: Noel Asiñas NAPUNTAHAN namin ang launching ng first album ng Pinoy Idol finalist na si Kid Camaya sa Technowave Bar sa Morato Avenue noong nakaraang Sabado. Memorable sa amin si Kid dahil bukod-tanging pinuri ng judge na si Ogie Alcasid ang kanyang boses noon sa Pinoy Idol. Sa narinig naming pagkanta ni Kid, tama nga si Ogie dahil magaling na soul singer ito na tubong Flori-dablanca, Pampanga. Dahil sa hilig niya ang pagkanta, tinalikuran niya ang magandang trabaho sa bangko sa kanilang probinsiya. May regular gigs si Kid sa Watering Hole sa EDSA Shargrila at sa Quattro Bar sa Quezon City. Ang first album ni Kid na Soul Sessions ay kolek-siyon ng mga awiting may sentimental value sa kanyang buhay. May walong kanta ang album ni Kid na hindi ninyo pagsasawaang pakinggan. Ang album ay produced ng kaibigan ni Kid na si Dr. Dennis Flores ng UST Hospital pero inire-release ng Ivory Records. Naniniwala pa rin si Kid na susuportahan siya ng GMA-7 sa kanyang Soul Session album. Gusto rin niya itong ma-promote sa SOP. Sa tingin ni Kid, malaki rin naman ang naitulong ng Pinoy Idol sa kanyang singing at nakilala ng fans. Kahit tapos na ang contract niya sa GMA-7, wala pa rin siyang balak lumipat ng ibang network. * * * AKSIDENTE naming na-meet si Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista sa isang affair ng Philippine Movie Press Club at sina-riwa nito ang kanyang movie career noon. Nasabi ni Herbert sa PMPC members na nabago ang plano ng Viva Films sa kanya nang bigla siyang pumasok ng pulitika. Tuloy, ipinasok agad ng Viva ang career plan ni Andrew E, na sumikat bilang rapper at komedyante sa movies. "Wala naman akong pinanghinayangan kung tumamlay ang showbiz career ko. Sumigla naman ako sa paglilingkod sa mga mamamayan ng Quezon City. Andito pa rin ako sa politics at lumalabas pa rin paminsan-minsan sa telebisyon. "Sana'y makakabalik din ako sa pelikula kung natuloy ang project na reunion ng Bagets. Nang pumanaw si Francis (Magalona) lalong lumabo ang reunion namin na ididirek sana ni Maryo J. (Delos Reyes)," kuwento ni Vice Herbert. Ngayon ay nakatuon ang political career ni Bistek sa pagiging mayor ng Quezon City. Iginiit niya sa mga taga-PMPC na pagiging mayor lang ang target niya at wala siyang interes na maging congressman o senador. Wala na talagang makakahadlang pa sa pagtakbong mayor ni Bistek dahil last term na ni Mayor Sonny Belmonte. * * * NANAWAGAN naman si MMDA Chairman Bayani Fernando na dapat magtulungan ang publiko at pri-badong sektor para malutas ang problema sa job and skill mismatch. "Bigo ang sistema ng edukasyon na ipagkaloob ang kakayahan na kaila-ngan ng pribadong industriya. "Dapat ang gobyerno, paaralan at pribadong ne-gosyo ay mag-usap at magpalitan ng pananaw ukol sa mga trabaho at kakayahan na kailangan para mapunuan ang mga ito," paliwanag ni BF. Sa speech ni Chairman Bayani, iminungkahi niya ang pagplano ng human resource para alamin ang kailangang skills. Dapat pag-ibayuhin ng gobyerno ang libreng training program ng TESDA sa pamamagitan ng pagbubukas ng mas maraming training centers sa mga probinsiya. Kaya bilang isang presidentiable, isa ito sa pag-uukulan niya ng pansin para sa kapakanan ng samba-yanang Pilipino. * * * OC, as in Outrageous and Courageous, to the highest level talaga ang mga kuwentong mapapanood sa OC to the Max, kasama ang energetic at kuwelang host na si Paolo Contis. Kung dati'y bumilib kayo sa Outrageous and Courageous, siguradong mas mapapa-wow kayo sa panonood ng pinakabagong handog ng Bilib Ka Ba Nights sa GMA-7. Mga kuwentong hindi pangkaraniwan at tunay na nakakabilib to the max ang sasalubong sa inyo tuwing Martes ng gabi. Manood na ng OC to the Max at gawing mas exciting ang inyong gabi tuwing Martes ng gabi pagkatapos ng Cruel Love sa GMA-7. * * * SOBRANG miss na talaga ng viewers ng Wow, Hayop ang tambalang Jose Manalo at Wally Bayola. Matagal nang wala sa show si Wally dahil sa sinapit na aksidente sa paa. Nabali ang daliri niya at kailangang maoperahan kaya nakabakasyon pa rin siya hanggang ngayon. Ngayong Miyerkules ng gabi ay ibabalik ang first episode ng Wow, Hayop na maraming manonood ang kinilig sa tandem nila bilang parehong paslit. * * * Sa lahat ng mga mahilig mag-costume bilang anime character, inaanyayahan ng TV5, in partnership with Cosplaymania, ang lahat ng anime and cosplay enthusiasts na sumali sa TV5 Animega's CosTube video contest. Kailangang magko-costume bilang anime character ang contestants, irekord ito sa video, i-upload online at ipadala ang link sa Cosplaymania para manalo nang hanggang P70,000 . Sa mga interesadong sumali, kailangan lang mag-register muna sa TV5-Kommunity o sa Cosplay. ph sa www. TV5. com. ph at sa www. cosplay. ph. For more information, mag log-in lang sa www. TV5. com. ph o sa www. cosplaymania. com. Huwag ding kalilimutang manood ng mga astig na anime shows sa ANIMEGA, only on TV5. Source: Taliba |