| | Piolo Pascual and Dingdong Dantes collaborate in a movie for the first time Author: Bernie Franco Dalawa sa pinakamainit na leading men ngayon sina Piolo Pascual at Dingdong Dante at nagsanib pwersa sila para sa isang pelikula. Sa launching movie ni Eugene Domingo na Kimidora, leading man ang papel ni Dingdong samantalang si Piolo naman ang nagsisilbing producer nito. "It's a collaboration among friends nilapit sa akin 'yung script and I found it really interesting," pahayag ni Piolo sa panayam ng The Buzz. Sabi ng aktor, naisip niya agad si Eugene para sa role dahil siya mismo ay fan ng comedienne. "I've always been a fan of Uge (nickname ni Eugene). If I remember, my last movie with her was Paano Kita Iibigin (with Regine Velasquez). Uge almost stole the movie from me and Regine sa sobrang galing niya. It's about time for her to do a launching movie."
Samantala, nagkaroon ng pagkakataon na magkatrabaho sina Piolo at Dingdong sa isang commercial at naging magkaibigan. Sa pagsu-shoot ng pelikula, ilang pagkakataon din na nagkita ang dalawa at puring-puri nila ang isa't isa. Sinabi ni Dingdong na sobrang hands on si Piolo bilang producer ng pelikula samantalang very thankful naman si Piolo at pumayag si Dingdong na tanggapin ang offer.
Pangalawang pagkakataon na ito ni Piolo na mag-produce ng pelikula, ang una ay ang independent film na Maynila na nabigyan na rin ng karangalan nang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng premiere screening sa nakalipas na Cannes Film Festival. Sobrang thankful naman si Piolo sa pagiging producer dahil nagbubunga ito kahit na baguhan pa lamang siya. "Hindi ko naman inisip na magagawa ko in such a short time na nasa industriya ako," pag-amin ni Piolo. "Siguro parang it's part of growing up, as well as a businessman and doing my own product. Parang gusto mo ring may ibang magawa."
Pinasalamatan din ni Piolo ang head ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos na hindi nagdalawang-isip na maging distributor ng Kimidora ang nasabing film outfit. Sinabi pa ni Piolo na naging magaling na guro sa kanya ang Star Cinema executive sa kanyang bagong trabaho bilang producer. Source: ABS-CBN Interactive |
|