|
|
| Piolo Pascual, nasaid ang datung sa 'Manila'![]() Author: Dondon Sermino SOBRA-SOBRA na nga ba ang datung ni Piolo Pascual, kaya heto at ang pagiging prodyuser na ang pinagkakaabalahan niya? Si Piolo nga ang producer ng Manila, na siya rin ang bida. At siya rin ang nagprodyus ng Kimydora na bida sina Eugene Domingo at Dingdong Dantes. Pero, hirit ni Piolo, hindi raw totoo na sobra-sobra na ang pera niya, o marami siyang pera. Katunayan, nasaid na raw ang ipon niya sa bangko. “Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga bills namin para sa Manila. Mabuti na lang, may mga co-investors din ako. Sabay-sabay ang gastos,” sabi ni Piolo. Sa tantiya ni Piolo, humigit-kumulang sa sampung milyong piso ang nagastos niya para sa Manila. “Pero, huwag na nating pag-usapan dahil baka habulin ako ng BIR. Ha! Ha! Ha! Ha! “Pero, tuluy-tuloy pa rin ang gastos namin. “Hindi kasi ito digital film. Film ito na 16 mm, na na-transfer lang namin sa 35 mm. Madugo talaga! Para kaming gumawa ng isang tunay na pelikula. “Nagtatago na nga ako pag may sinasabi sila na kailangang bayaran. Ha! Ha! Ha! Ha! “Kaya sana panoorin ng mga tao,” pahayag pa ni Piolo. Anyway, hindi raw tinawaran ni Piolo ang mga artistang kasama sa Manila. Nu'ng kinuha raw ang serbisyo ng mga artista ay hindi naman nila sinabi na siya ang prodyuser, kaya regular na talent fee raw ang ibinigay nila sa kanila. Maliban daw kay Angelica Panganiban, na kahit pinilit nilang bayaran ay hindi raw tinanggap ang pera nila. Tulong na lang daw ni Angelica `yon sa kanila. “Big blessing `yon para sa amin.” Pero sa Kimydora raw, maraming kaibigang artista ang nag-cameo role, na hindi nagpabayad. Anyway, ang album niya mismo ang susunod na ipoprodyus ni Piolo. At pagkatapos, plano rin niyang magprodyus ng isang pelikula na puro lalaki ang bida. Pinag-uusapan na raw nila `yon nina Vhong Navarro, John Lloyd Cruz, Luis Manzano, at Billy Crawford. Mala-Ocean's 11 daw ang gusto nilang gawin. Sina Raya Martin at Adolfo Alix, Jr., ang mga director ng Manila. Source: Abante |