Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Piolo at Sam nanahimik sa 'Lampungan' issue

Natawa kami kay Ai-ai delas Alas nang hingan siya nang komento sa sinabi ni Snooky Serna na plastic siya. Kararating lang ng Comedy Concert Queen sa bansa at nakunan siya agad ng reaksyon ng Entertainment Live sa airport.

 

Piolo at Sam nanahimik sa 'Lampungan' issue

Sam Milby

Author: Vinia Vivar

Walang sagot ang Entertainment Live tungkol sa issue nina Piolo Pascual at Sam Milby gayung days before ay balitang-balita sa ABS-CBN na pinaghahandaan ng programa ang kanilang presentasyon at kasalukuyan pa nga lang daw nangangalap ng impormasyon na makapagpapatunay na wala sa Sofitel ang dalawang aktor noong October 12.

We're just wondering kung bakit natapos at natapos ang E Live ay walang Sam-Piolo issue as in dedma talaga ang programa.

Bago ito ay nakansela rin ang presscon ni Sam for Star Records last Friday naman na dapat sana'y magandang pagkakataon para malinaw ng aktor ang tungkol sa issue.

May mga nagtanggol na rin naman para sa dalawang aktor pero wala pa tayong naririnig mula sa kanilang dalawa pati na rin sa ABS-CBN.

Sa presscon ni Angel Locsin last Friday night ay lumutang sa ABS-CBN ang balitang magsasampa raw ng demanda ang network at ang Star Magic laban kay Manay Lolit Solis na siyang nagsulat ng item na nakita niya sa Sofitel ang dalawang aktor na sweet na sweet sa isa't isa.

Ito raw ang dahilan kung bakit naroroon si Atty. Joji Alonso nang gabing 'yun dahil may meeting umano ang lady lawyer with the network's executive at siyang pahahawakin ng kaso.

Tinanong naman namin ang abogada pero ayaw niyang magsalita hinggil dito although sa kanyang mga ngiti ay mahahalata mong mayroon siyang nalalaman.

Kahapon sa Startalk ay muling pinanindigan ni Manay Lolit ang nakita niya at sigurado siyang sina Sam at Piolo nga 'yun. Dagdag niya, wala raw siyang malisya nang isulat niya 'yun kundi ikinuwento lang niya ang nakita.

Anyway, abangan na lang natin kung may mga bago pang magsusulputang sagot mula sa mga kampo nina Sam at Piolo.

* * *

Natawa kami kay Ai-ai delas Alas nang hingan siya nang komento sa sinabi ni Snooky Serna na plastic siya. Kararating lang ng Comedy Concert Queen sa bansa at nakunan siya agad ng reaksyon ng Entertainment Live sa airport.

Ayon kay Ai-ai, habang busy siya sa kanyang mga shows, si Snooky naman daw ay busy sa paninira sa kanya.

Wala raw siyang matandaang insidente na inisnab niya si Snooky sa Volta event pero kung sakali, ang tagal na raw nu'n, bakit ngayon lang nagsalita ang aktres.

“Nagkikita pa kami pag­katapos nu'n, wala naman siyang sinasabi sa akin,” sabi pa ni Ai-ai.

Pero kung makakatulong naman daw kay Snooky ang panggagamit sa kanya, sige raw at gamitin siya.

Natawa kami nang sabihin ng komedyana na baka sinasapian lang daw si Snooky. Pero mas lalo kaming napahalakhak nang sabi­hin niyang huwag naman sana raw siyang pagtripan ng aktres at iba na lang.

* * *

Nagsalita na naman kahapon si Jennylyn Mercado sa Startalk at inulit lang naman niya ang sinabi niya two Saturdays ago tungkol sa kanyang manager although may mga kaunting bagong issue na tinanong sa kanya.

Kung si Snooky ay pinagti-tripan si Ai-ai, si Jen naman ay pinagtitripan ang kanyang manager.

Hayun at sa takot yata niyang mawalan ng project sa GMA-7 ay kung anu-ano na tuloy ang pinagsasa­sabi.

Hindi kaya alam ni Jen na hindi naman nakaka­tulong sa kanya ang kanyang mga pinagsasasabi?

Source: Pilipino Star Ngayon