Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Piolo, 'di dadalo sa 20th anibersaryo ni Juday sa showbiz!

Piolo, 'di dadalo sa 20th anibersaryo ni Juday sa showbiz!

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

WALANG naganap na birthday party si Judy Ann Santos last May 11. In fact, kinabukasan nga, magkasama silang nag-host ni Ryan Agoncillo na isang corporate affair sa Manila Hotel.

Eh, halos gabi na nang matapos ang affair na �yon at tumakbo na ang young actress sa parada ng kanyang kapatid na si Jeffrey Santos sa Caloocan.

Pero ayon sa balita ng manager niyang si Alfie Lorenzo sa kanyang radio show sa DZMM, isang malaking selebrasyon ang magaganap sa June para kay Juday.

Ise-celebrate ng award-winning actress ang 20th anniversary niya sa showbiz at kung hindi magbabago, sa Araneta Coliseum ito gagawin sa June.

Maraming guests siyempre tulad ng mga naging leading men ni Juday. �Yun nga lang, napipintong hindi makarating si Piolo Pascual, dahil sa isang previous commitment.

"Kahit wala si Piolo, matutuloy ang selebrasyon, �no! Naku, huwag nilang hayaang muling gumana ang krus sa aking dila!"�say ni Tito Alfie.

May participation din ang mga fans ni Juday. Kasali sila sa isang version na ala-Game Ka Na Ba? na ang mga questions ay tungkol sa kanilang idolo.

Ang biggest guest sa event na ito sa buhay ni Juday ay si Sharon Cuneta na alam naman ng lahat na isa sa best friends ni Juday.

Hindi nga lang nabanggit ni Tito Alfie kung ano ang partisipasyon ng boyfriend niyang si Ryan, pero for sure, hindi siya mawawala.

***

Working birthday naman nu�ng umaga ng May 12 ang naganap kay Dennis Trillo. Isa rin siya sa guests sa corporate show na pinuntahan nina Juday at Ryan last May 12.

Dumating si Dennis sa venue ng before 12 noon, pero naisalang siya nang almost five PM na, huh! Isiningit lang ang number niya dahil kailangan din niyang magpa-fresh dahil may birthday party siya kinagabihan sa bubuksang Barrackz Bar sa Morato, Quezon City.

Dumalo nga pala sa birthday party ni Dennis sina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Karylle, Cristine Reyes,Valerie Concepcion, Camille Pratts, Marian Rivera, Malou Choa-Fagar at Mother Lily Monteverde.

Tinanong namin kay Dennis ang next project niya after ng Super Twins na mawawala na sa ere. Aniya, baka isama siya sa Impostora na pagbibidahan nina Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Sa totoo lang, urong-sulong kasi ang GMA kung itutuloy nila ang ST. But as of last week, tatapusin na ito at naka-sked na ang cast party sa Wednesday.

Malamang na ito ang palitan ng Shaider na ang ilan sa bida ay sina JC de Vera at Marky Cielo.

Source: Abante